Yorme nakipag-usap sa Pfizer tungkol sa COVID-19 vaccine na planong bilhin para sa mga Manilenyo

Imahe mula sa Manila PIO
  • Yorme, nakipag-ugnayan sa mga executives ng Pfizer hinggil sa planong pagbili ng COVID-19 vaccine
  • Sinabi ng alkalde na humingi siya ng update sa kumpanya tungkol sa development ng COVID-19 vaccine nito
  • Inaasahang sa susunod na taon ay maaari nang makabili ang bansa ng bakuna ng Pfizer

Nakipagpulong si Manila Mayor Isko Moreno sa mga executives ng Pfizer, isang New York-based pharmaceutical firm, isang araw kasunod ng ginawang public announcement ng kumpanya na ang ginawa nitong COVID-19 vaccine ay 90% effective para magbigay ng proteksyon kontra sa coronavirus.

Imahe mula sa China News Services

Sa kanyang Twitter account, ibinahagi ni Yorme ang isang larawan habang ginagawa ang virtual meeting niya sa mga Pfizer execs noong Martes, November 10.

“Mga Batang Maynila update lang po, Kakatapos lang po ng ating pakikipagpulong sa top executives ng Pfizer sa ating bansa upang kumuha ng update sa developments ng bakuna laban sa COVID-19,” ang tweet ng alkalde kalakip ang larawan.

Sa nasabing meeting, sinabi ni Yorme na muli niyang ipinaalam sa Pfizer ang kahandaan ng pamahalaan ng Lungsod ng Maynila na bumili ng bakuna para sa mga Manilenyo.

“Muli nating ipinaalam sa kanila ang kahandaan ng Pamahalaang Panglunsod ng Maynila na bumili ng inisyal na P250 milyon (additional 50m) na halaga ng bakuna mula sa kanila para sa mga taga Maynila. Kapit lang. Makakaraos din tayo sa krisis dulot ng pandemyang ito,” aniya.

Ang Pfizer at ang German partner nitong BioNTech SE ang unang drugmakers na nakapaglabas ng successful data pagkatapos ng malawakang clinical trial nito sa COVID-19 vaccine.

Imahe mula sa Twitter account ni Mayor Isko Moreno

Ayon kay Philippine Ambassador to the United States na si Jose Manuel Rodriguez, handa ang Pfizer na mag-supply ng vaccine sa ating bansa eaarly next year at pagkatapos nitong makakuha ng regulatory approval mula sa US at Philippine authorities.

Inaasahang mabibili ang COVID-19 vaccine ng Pfizer sa halagang $5 (P240) per shot.

 

Source :

Twitter, ABS-CBN

Loading…