Young artist gumagawa ng artwork gamit ang makukulay na ballpoint pen

  • Pinahanga ng isang young artist ang mga netizens dahil sa kaniyang mga artworks
  • Simpleng mga multi-colored ballpoint pens lamang ang gamit niya sa mga iginuguhit niya sa kuwaderno
  • Marami ang pumuri sa kaniya at sinabihan siyang ipagpatuloy lamang ang pagbabahagi ng kaniyang talento

Pinabilib ng isang young artist ang mga netizens dahil sa kaniyang husay sa pagguhit gamit lamang ang makukulay na ballpoint pens, o iyong mga panulat na karaniwang ginagamit sa pang-araw-araw na pagsusulat sa paaralan, opisina, o maging sa mga tahanan.

Makikita ang mga kamangha-manghang artworks ni “Ian Paul Bos” sa Facebook page na “GUHITPinas” na ang gamit lamang ay multi-colored ballpoint pens na iginuhit sa ordinaryong kuwaderno o notebook.

Imahe mula sa Facebook account ni Ian Paul Bos

“Sharing the simple compilation of my inverted artworks using multi-colored ballpoint pens sa notebook. Beauty in Negativity. Fine strokes are applied using Titus ballpoint or 9810 HBW ballpoint pens in one direction, hatching and cross hatching techniques and smudge using fingers or cotton,” paliwanag niya.

Tampok sa kaniyang mga guhit ang dalawang mukha ng lalaki at babaeng tila magkasintahan, pusa, aso, at iba pang mga bagay kagaya ng palito ng posporo at kandilang may ningas. Iginuhit din niya si “Joker.”

Umani naman ito ng iba’t ibang papuri mula sa mga netizens.

“Wow… napakalupit naman! Ito dapat ang pinapasikat. Napakagaling mo po. Simple lang ang ginamit na materyal pero buhay na buhay,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “My gosh! Grabe. I’m so speechless. Napakatalented naman nito. Ordinaryong ballpoint pens lang pala gamit niya. Paano pa kaya kapag talagang canvass na ang gamit niya? For sure napakaganda!”

“Simply amazing! I can’t do that. I’ve tried during my high school students,” wika naman ng isa.

Imahe mula sa Facebook account ni Ian Paul Bos

Ayon sa young artist na ito, simpleng mga ballpoint pens lang talaga ang ginagamit niya, at sa simpleng papel ng mga notebooks lang siya gumuguhit. Upang mas mapalitaw pa ang tunay na ganda at kulay nito, ginagamitan niya ito ng negative art app.

“Una po naghahanap ako ng reference sa Pinterest na black background tapos iniedit ko po siya sa negative art app para po mabaliktad yung colors para sa reference,” paliwanag niya.

Napakahusay, hindi ba?

Loading…