13 tuta, basta na lamang iniwan sa bakanteng lote; umulan pa naman nang malakas

Image by Team Rescue Iloilo via Facebook
  • Labintatlong tuta, iniwan ng pet owner sa isang bakanteng lote
  • Mabuti na lamang at na-rescue yamang malakas umano ang ulan nang mga oras na iyon
  • Team Rescue Iloilo: “And to you who left the 13 pups, God sees what you did to them, what you did will surely come back to you”

Marapat lamang na ibigay natin ang angkop na pagmamahal sa mga alagang hayop. Maging responsible pet owner sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng sapat na pagkain, tubig, matutuluyan, magandang kalusugan at pagmamahal. Kung hindi man natin kayang maibigay ang mga nabanggit, huwag naman sana natin silang itapon kung saan saan lamang.

Image by Team Rescue Iloilo via Facebook

Marami ang nahabag at hindi nagustuhan ang ginawa ng isang pet owner na basta na lamang iniwan ang labintatlong tuta sa isang bakanteng lote. Malakas umano ang ulan nang gabing iyon at kung hindi na-rescue, sa malamang ay hindi sila naka-survive.

Pagbabahagi ng Team Rescue Iloilo sa Facebook, “Another heartless human thrown/left 13 puppies at Monte Rosa Subdivision, Hibaoan, Mandurriao, Iloilo.

“Thanking Sir Ren Fox Gab Jr. for containing them, thank you for your kindness and concern for these 13 puppies. If not of you, maybe, some of them d**d because of the heavy rain last night.”

Ang Team Rescue Iloilo ay isang non-profit organization na may adbokasiya para itaguyod ang karapatan ng mga stray pets. Hindi sila sang-ayon sa irresponsible pet ownership, pet euthanasia at animal abuse.

Pinasalamatan pa ng team si Ren dahil sa nagkaloob ito ng isang libong piso sa kanila. Gugugulin, anila, ang pera para pambili ng pagkain at bitamina para sa mga tuta.

Image by Team Rescue Iloilo via Facebook

Ihahanda raw ng grupo ang mga tuta for adoption sa December 18 sa Sky Garden Festive Mall, Iloilo. Nabanggit ng isang netizen sa comment section na ang mga requirements for adoption ay unconditional love, commitment at valid ID. Ang mga interesado ay dadaan sa screening at interview.

Saad pa ng Team Rescue Iloilo, “And to you who left the 13 pups, God sees what you did to them, what you did will surely come back to you.”

Habang ibinabahagi ito ay nag-trending ang post ng grupo na mayroong higit 1,200 reaksyon at nasa 770 pagbabahagi. Marami ang nagpahayag ng interes para alagaan ang mga tuta.

Image by Team Rescue Iloilo via Facebook
Source :

Facebook

Loading…