50% efficacy ng Sinovac COVID vaccine ‘acceptable, ayon sa DOST

Imahe mula sa WBUR
  • Nasa 50% lamang umano ang efficacy ng Sinovac ayon sa clinical trial sa Brazil
  • ‘Acceptable’ naman daw ito dahil pasok sa minimum requirement ng WHO
  • Ayon sa DOST, kailangan nilang ma-review ang data ng bakuna bago magbigay ng konklusyon

Pasok sa minimum requirement ng World Health Organization (WHO) ang 50% na efficacy ng Sinovac vaccine kaya ‘katanggap-tanggap’ na ito ayon sa paliwanag ng Department of Science and Technology (DOST).

Lumabas sa pinakahuling stage ng clinical trials ng Sinovac vaccine na ginawa sa Brazil na 50% lamang ang efficacy nito.

Ang nasabing bakuna ay gawa ng Chinese pharmaceutical company na Sinovac Biotech at isa rin sa kukunin ng Pilipinas kapag available na ito sa susunod na taon.

Dr. Jaime Montoya| Screenshot mula sa You Tube

Paliwanag ni DOST – Philippine Council for Health Research Development executive director Jaime Montoya, ‘acceptable’ na umano ito lalo pa’t maaari pang mabago ang efficacy ng isang bakuna kapag ginamit na ito ng maraming tao.

“The 50 percent efficacy is acceptable because that is the minimum requirement set by the World Health Organization for a vaccine to be used by a country,” ayon kay Montoya.

“We have to also bear in mind that the vaccine efficacy may actually change—it may go up or it may go down—as more and more people are using it when they are actually rolled out,” dagdag na pahayag ng DOST official.

Ayon pa kay Montoya, dapat ay ilabas ang opisyal na resulta ng clinical trials ng Sinovac upang ma-review ito  at para magkaroon ng mas malinaw na interpretasyon tungkol sa overall performance ng gamot.

Imahe mula sa The Rio Times

Lumabas kasi sa ulat ng Reuters na pinigilan raw ng Sinovac na ilabas ng Brazil ang opisyal na resulta ng pag-aaral habang hinihintay pang makumpleto ang clinical trials sa ibang bansa.

Dahil dito, muling nabatikos ang Chinese company dahil sa kawalan umano ng transparency.

Samantala, sinabi naman ni Montoya na posibleng maging epektibo pa rin ang Sinovac vaccine sa partikular na grupo tulad ng health care workers, mga matatanda o yaong may ibang karamdaman.

Ganunpaman, hindi pa raw sila puwedeng magbigay ng konklusyon dito hangga’t hindi pa nila nare-review ang data galing sa Sinovac.

Loading…