ABS-CBN kailangang magpatupad ng reporma bago makakuha ng bagong prangkisa – Marcoleta

Imahe mula sa ABS-CBN News
  • Hindi ganun kadali ang pagbabalik sa floor deliberations ng ABS-CBN franchise
  • Ayon kay Marcoleta, kailangang magpatupad ng reporma ang Kapamilya network
  • Taliwas ito sa naunang sinabi ni Rep. Lito Atienza

Taliwas sa naunang sinabi ni Deputy Speaker Lito Atienza, hindi ganun kasimple umano ang pagbabalik sa prangkisa ng ABS-CBN kahit pa mayroon nang bagong House Speaker ang Kamara.

Ayon kay Sagip Partylist at Deputy Speaker Rodante Marcoleta, hindi nangangahulugan na sa bagong liderato sa Mababang Kapulungan ay magiging madali na ang pagbabalik sa floor deliberations ng panukalang ibalik ang ABS-CBN franchise kapag nagkataon.

Imahe screen capture mula sa YT video

Kailangan daw na magpatupad ng reporma ang kumpanyang pag-aari ng pamilya Lopez at muling dadaan sa pagbubusisi ng Kamara ang mga probisyong nakapaloob sa panukalang isusulong ng mga kaalyado ng Kapamilya network.

“Kung mag-apply sila pero ‘yung mga tao na nasa likod nito ay sila-sila pa rin, ‘yung pasilidad ganun pa din, walang nakitang reporma ay baka hindi pa rin sila mabigyan ng franchise,” ani Marcoleta.

Si Marcoleta ang isa sa nanguna sa pag-iimbestiga sa ABS-CBN franchise sa Kamara at isa rin sa 70 kongresistang bumoto para ibasura ito.

Imahe mula sa ABS-CBN

“Iyung provision sa kanilang franchise mula Section 1 hanggang sa dulo ay susuriin nang mabuti, ito ay pagtiyak na hindi na mauulit ‘yung mga naging violations kaya matatagalan pa bago ang sinasabing makakabalik sila sa ere,” paliwanag ng mambabatas.

BASAHIN: ABS-CBN unti-unti nang pinababalik sa trabaho ang ni-retrench na mga empleyado?

Magugunitang nagpahayag ng pag-asa si Rep. Atienza tungkol sa pagbabalik sa ere ng ABS-CBN sa susunod na tao sa ilalim ni House Speaker Lord Alan Velasco.

Tiwala umano siya na mabibigyan ng hustisya ang ginawa sa prangkisa ng ABS-CBN at binibigyan niya lang ng oras si Velasco dahil kauupo lang nito.

Image by Lito Atienza via Instagram

“I am just giving the new Speaker time to settle. Hindi naman natin puwedeng biglain, major battle, kauupo lamang niya. But I am not shying away from the responsibility and for the opportunity to come—that I’m working on— para maibalik natin ‘yung floor discussion,” wika ni Atienza.

Bagama’t sinabi na ni Abang Partylist Rep. at House Minority Leader Stephen Paduano na maaari na muling maghain ng panukala para sa bagong prangkisa ng ABS-CBN sa susunod na taon, wala pang kongresista ang nagpahayag ng intensiyon para gawin ito.

Loading…