ABS-CBN unti-unti nang pinababalik sa trabaho ang ni-retrench na mga empleyado?

Imahe mula sa Sunday Examiner
  • Unti-unti na umanong pinababalik ng ABS-CBN ang mga tinanggal nitong empleyado
  • Ito ang ibinahagi sa Twitter ng isang dating Brand Communications Manager ng network
  • Umaasa naman ang isang solon na makakakuhang muli ng prangkisa ang ABS-CBN sa 2021

Isang dating empleyado ng ABS-CBN ang masayang ibinalita ang kaniyang pagbabalik sa network na tinanggalan ng prangkisa noong Hulyo matapos itong ibasura ng Kamara.

Sa kaniyang Twitter post, ibinahagi ni Jon Montessa, dating Brand Communications Manager ng ABS-CBN ang screenshot kung saan ibinalita niya sa kaniyang ina ang pagbabalik niya sa Kapamilya network. Katabi nito ang isa pang screenshot noong tanggalin naman siya sa trabaho.

Screenshot mula sa Twitter/ Jon Montessa

Ang post ni Montessa ay may caption na “God’s way of reminding me that He’s more powerful than 70 congressmen. Unti-unti, #BabalikDinAngABSCBN.”

Agad namang nag-trending sa Twitter ang hashtag at maraming netizens ang nagpahayag ng suporta kay Montessa at sa napipintong pagbabalik umano ng ABS-CBN.

“Thank you so much sa suporta, mga Kapamilya! Since this is blowing up, I would like to ask you to please support my first project with ABS-CBN Films, Princess (Daya)Reese starring Maymay Entrata and Edward Barber. Streaming on OTT and Cable platforms on Jan. 1, 2021. Hugs! Heart with ribbonGreen heartBlue heart,” wika pa ni Montessa sa comment section.

Imahe mula sa ABS-CBN

Samantala, isang mambabatas rin ang nagpahayag ng pag-asang maibabalik muli ang prangkisa ng Lopez network sa susunod na taon.

Sa panayam kamakailan kay Deputy Speaker at Buhay Rep. Lito Atienza, sinabi nitong posible umano itong mangyari sa 2021 sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Lord Allan Velasco.

“I am really confident, justice will prevail by next year. They [ABS-CBN] were maltreated, they were maltreated, they were eventually assassinated, so they should be given justice,” ani Atienza; ang isa sa sampung mambabatas na bumoto noon pabor sa renewal ng ABS-CBN franchise.

Screenshot mula sa Twitter/ Jon Montessa

“I am just giving the new Speaker time to settle. Hindi naman natin puwedeng biglain, major battle, kauupo lamang niya. But I am not shying away from the responsibility and for the opportunity to come—that I’m working on— para maibalik natin ‘yung floor discussion,” ayon pa sa kongresista.

Matapos tanggalan ng prangkisa noong Hulyo, tinatayang aabot sa 11,000 empleyado ng ABS-CBN ang tinanggal simula noong Agosto.

Sa kabila nito, lumipat ng platform ang network sa pamamagitan ng paggamit ng digital channel tulad ng You Tube at Facebook. Bukod dito, lumagda rin ang network ng kontrata sa Zoe channel upang mai-ere ang ilan sa kanilang programa sa free TV.

Source :

Philstar, MSN, Twitter

Loading…