Aiko ibinahagi ang COVID scare matapos mawalan ng panlasa: “That was the longest 45 minutes of my life”

Imahe mula sa Facebook ni Aiko Melendez
  • Natakot si Aiko Melendez matapos mawalan ng panlasa habang naka-lock-in taping
  • Mabuti na lamang at tonsillitis lang pala ang kaniyang karamdaman
  • Malaki ang pasasalamat ni Aiko sa Diyos at sa GMA-7 at sa lahat ng nagdasal para sa kaniya

Ibinahagi ni Aiko Melendez ang takot na pinagdaanan dahil sa pangambang nahawahan na rin siya ng coronavirus habang nasa lock-in taping ng isang teleserye nitong Sabado, Nobyembre 29.

Sa kaniyang Facebook post, ikinuwento ng magaling na aktres na akala daw niya – sampu ng kaniyang mga kasamahan sa set – na dinapuan na rin siya ng virus dahil biglang nawala ang kaniyang panlasa na isa sa sintomas ng COVID-19.

Screenshot ng Facebook post ni Aiko Melendez

Dahil dito, kaagad umano siyang na-isolate bilang bahagi ng mahigpit na protocol na ipinatutupad ng GMA-7.

“They made me wear PPE straight in my room until I got my test result which is negative. I was brought to the hospital to get my swab, And Dang that was the longest 45 minutes of my Life… waited and prayed,” bahagi ni Aiko.

Mabuti na lamang at hindi siya pinabayaan ni Direk Gina Alajar na siyang gumanap bilang mommy niya dahil wala ang kaniyang nanay sa set. Inasikaso umano siya ng premyadong actress-director na siyang nagbigay ng ‘energy boosters’ at nanguna sa panalangin upang ‘di siya panghinaan ng loob.

“Sharing this story coz being in a lock in set up is never easy. Everyday we pray for safety. Just to be able work and give our viewers what they deserve to watch comes risks also to our health,” patuloy pa ng ‘Prima Donnas’ star.

Malaki ang pasasalamat ni Aiko sa Diyos matapos lumabas na negatibo siya sa coronavirus at tonsillitis lamang pala ang dahilan kung bakit nawala ang kaniyang sense of taste.

Imahe mula sa Facebook ni Aiko

“But my Lord is bigger than any of this scare! I’m completely healed and surrounded with people who pray so hard. Salamat Lord! I’m back negative!” kuwento pa ni Aiko.

Nagpasalamat din siya sa GMA-7 dahil ibinigay ang kaniyang pangangailangang medikal at may medic pa na standby 24 hours upang matiyak na maayos ang kaniyang kalagayan. Bukod dito, in-adjust din umano ang script para ma-tape kaaagad ang kaniyang eksena at mapack-up siya nang maaaga.

“So doctor said it was fatigue and tonsillitis. Kaya ako wala panlasa kasi maga lalamunan ko at me sipon ako,” ayon sa aktres sa panayam ng PEP.ph.

Loading…