Alex Gonzaga nagsimula nang ipaayos ang ‘future home’ nila ni Mikee Morada

Imahe mula sa Twitter ni Alex Gonzaga
  • Ipinakita ni Alex Gonzaga ang larawan ng kanilang magiging ‘future home’
  • Sinimulan na itong i-demolish at tila major renovation ang gagawin
  • Naudlot ang kasal ng magkasintahan ngayong taon dahil sa pandemya

Hindi pa man naikakasal ay sinimulan nang ipaayos ni Alez Gonzaga at ng kaniyang fiancé na si Mikee Morada ang kanilang magiging tahanan bilang mag-asawa.

Sa kaniyang social media accounts, ibinahagi ng comedienne-vlogger ang ilang larawan kung saan makikita ang dine-demolish na bahay at ilang mga lumang materyales sa paligid.

Screenshot mula sa Twitter ni Alex G.

Kasama niya rito ang kaniyang boyfriend na si Mikee at mahihinuha sa mga pictures na tila isang major renovation ang planong gawin sa bahay.

“Many are the plans in a man’s heart, but it is the Lord’s purpose that prevails. May God bless our future home,” anang seryosong caption ni Alex sa kaniyang Twitter post.

Kaagad namang umani ng mahigit 34,000 likes at 1,300 retweets ang naturang post ng aktres.

Screenshot mula sa Instagram ni Alex Gonzaga

Sa Instagram naman ay medyo pabiro ang caption nito: “Our demolish is halfway done to build our new and future home. Parang Samson and Delilah datingan namin pagkatapos magbabag.”

Hindi naman natiis ng kaniyang malapit na kaibigan na si Luis Manzano ang mag-comment ng kalokohan. Hirit ni Luis, “Nagpagiba pa kayo, sayang, sa puno lang naman ok ka na tarsier”.

Maraming kaibigan at kasamahan ni Alex ang natuwa sa panibagong milestone sa buhay ng aktres na kilala sa pagiging kalog at mapagbiro.

Screenshot mula sa Instagram ni Alex Gonzaga

Kabilang na rito sina Fifth Solomon, Diane Medina at Rodjun Cruz na nagpaabot ng congratulations sa future Mr. and Mrs. Morada.

Sina Alex at Mikee ay naging engaged noong Enero 2020 makaraan ang mahigit tatlong taong relasyon. Nakatakda na sana ang kanilang pag-iisang dibdib ngayong taon subalit napilitan silang iurong ito dahil sa umiiral na pandemya.

Noong Nobyembre, nag-celebrate ang couple ng kanilang fourth year anniversary bilang magkasintahan.

Loading…