Aliens totoo raw; may alyansa umano sa pamahalaan ng Amerika at Israel

  • May alyansa raw ang pamahalaan ng USA at Israel sa mga aliens
  • Iyan ang ibinunyag ng isang dating Israeli space chief
  • Matagal na raw ang sikretong ugnayan ng mga aliens sa tao na tinatawag na “Galactic Federation”

Kinumpirma ng dating Israeli space chief ng Israeli Space Agency na totoo umano ang mga extraterrestrials o aliens at may palihim na “alyansa” umano sa pamahalaan ng United States of America at Israel. Tinatawag daw itong “Galactic Federation.”

Ang naturang Israeli space chief ay si Dr. Haim Eshed, 87, na nagsilbi nilang space chief ng bansang Israel mula 1981 hanggang 2010, na nagsiwalat ng mga impormasyon at “eksklusibong expose” sa for-pay newspaper na “Yedioth Aharonoth, ayon sa Jewish Press nitong Disyembre 5, 2020.

Public Domain Image

“The aliens have asked not to announce that they are here, humanity is not ready yet. If I had come up with what I’m saying today five years ago, I would have been hospitalized. Wherever I’ve gone with this in academia, they’ve said: the man has lost his mind,” ani Eshed.

“Today they’re already talking differently. I have nothing to lose. I’ve received my degrees and awards, I am respected in universities abroad, where the trend is also changing,” dagdag pa niya.

Si Eshed, ay tatlong ulit na naging recipient ng  Israel Security Award, may master’s degree sa performance research at doctorate naman para sa aeronautical engineering.

“They have been waiting for humanity to evolve and reach a stage where we will generally understand what space and spaceships are. There’s an agreement between the US government and the aliens. They signed a contract with us to do experiments here. They, too, are researching and trying to understand the whole fabric of the universe, and they want us as helpers,” aniya.

Muntik na raw maibunyag ni incumbent President Donald Trump ang tungkol sa kasunduang ito, subalit pinigilan lamang daw ng Galactic Federation.

Public Domain Image

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Keep calm folks everything will return to sanity after 2020. We will be back to normal,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Sabagay, 87 years old na raw siya, so baka may nararanasan nang something like dementia, what do you think?”

“Wow! Another conspiracy theorist struggling to cope with the struggles of changing times,” ayon naman sa isa.

Wika naman ng isa, “Imaginations are sometimes true. Imaginations are free and there are truth!! Yahoo!!”

Ikaw, naniniwala ka bang may aliens na nakikipag-alyansa sa US at Israel?

Panoorin ang ulat na ibinahagi ng NBC News cia YouTube:

Loading…