Ang cashless toll collection ay hindi paraan para kumita ng pera mula sa mga motorista – Ramon Ang

Imahe mula sa MoneyMax
  • Hindi paraan ang cashless toll collection para gatasan ng SMC ang mga motorista
  • Nilinaw ni Ramon Ang na sa katunayan ay gumastos pa ang kumpanya dahil sa direktiba ng gobyerno na gawing 100% ang electronic toll collection
  • Ang cashless toll collection ay ipinatutupad upang maiwasan ang physical contact at palitan ng pera sa pagitan ng toll booth teller at motorista sa gitna ng pandemya

Tiniyak ni Ramon S. Ang, presidente at chief operating officer ng San Miguel Corporation (SMC) na ang paglipat ng kumpanya sa cashless toll collection sa pamamagitan ng Radio Frequency Identification (RFID) systen ay hindi nila paraan para gatasan ang mga motorista.

Imahe mula sa SMC

Nilinaw ng SMC, ang operator ng STAR Tollway, South Luzon Expressway, Ninoy Aquino International Airport Expressway, Muntinlupa-Manila Expressway, Skyway at Tarlar-Pangasinan-La Union Expessway, na ang cashless toll collection ay isang mandato mula sa pamahalaan bilang isang paraan upang maalis ang physical contact at pisikal na abutan ng pera sa mga tollways sa gitna ng COVID-19 pandemic.

“Government is implementing this as a safety measure. We will not make money out of it… It is not a means to extract more revenue from motorists,” giit ni Ang.

Aniya, sa katunayan ay nagkaroon sila ng mga karagdagang gastos para lang makasunod sa direktibang ito ng gobyerno na ipatupad ang 100% electronic toll collection. Kabilang dito ang pagdaragdag ng manpower na nagkakabit ng RFID tag, mga bagong RFID tag-reading machines para sa lahat ng lanes sa toll plaza at ang pagbili ng RFID card at stickers na libreng ibinibigay sa mga motorista.

Imahe mula sa Autoindustriya

“Like many who felt unprepared for the long queues at stickering stations to get their RFID stickers, we were also not fully prepared to implement 100% cashless transactions in just a matter of months,” aniya.

Nilinaw rin niya na hindi rin sila ang nagpi-print ng RFID stickers. Ino-order umano ang mga ito sa mga foreign suppliers, na may problema rin sa manpower dahil sa umiiral na pandemya kaya may limitasyon sa deliveries.

Loading…