Angeline Quinto sinagot ang basher sa kaniyang Instagram post

Imahe mula sa Instagram ni Angeline Quinto
  • Binalikan ni Angeline Quinto ang isang basher sa Instagram
  • Pinuna kasi ng basher ang kaniyang hitsura
  • Naging matapang naman ang sagot ng singer sa basher

Isa si Angeline Quinto sa mga celebrities na madalas ma-bash sa social media kahit wala namang masamang ginagawa o sinasabi.

Nitong Miyerkules lamang ay binuweltahan ni Ange ang isang basher na nagkomento sa kaniyang Instagram post tungkol sa kaniyang hitsura.

Alam naman ng lahat at hindi rin itinatago ng ‘Queen of Teleserye Themesongs’ na dumaan siya sa ilang body enhancements upang mas lalong magkaroon ng confidence kapag humaharap sa camera. Minsan na rin niyang sinabi noon na siya ay isang ‘proud retokada’.

Imahe mula sa Instagram ni Angeline Quinto

Sa kaniyang pinakahuling post sa Instagram, ibinahagi ni Angeline ang isang selfie kung saan makikita ang pagbabago sa kaniyang anyo nitong mga nagdaang taon.

Halos lahat ng komento ay pinuri ang kagandahan ng dalaga at nagpahayag ng suporta sa kaniyang mga ipinagawa sa katawan at sa mukha.

Subalit mayroong isang netizen na tila hindi nakatiis at nagkomento ng: “nasobrahan yata pagawa”.

Dahil dito, bumuwelta ang singer at ipinagtanggol ang sarili sa basher.

“Kung ipagawa ko man buong katawan at pagkatao ko, hindi naman makakaapekto sa pamumuhay mo. Much better kung buhay mo na lang ang unahin at pagkaabalahan mu. Loveyou babe,” matapang na sagot ni Ange.

Screenshot mula sa Instagram ni Angeline Quinto

Kaagad namang pinuri ng kaniyang mga fans at followers si Angeline dahil sa pagiging matapang at prangkang sagot.

“Kahit may pinagawa at least maganda inside and out, eh ikaw maganda ka ba?” sagot ng isang commenter sa basher.

“Wag n’yo nalang pong pansinin yung mga taong walang alam gawin kung hindi makialam sa buhay ng ibang tao. Ikaw lang sapat na ate iloveyouuuu!!! Galingan ninyo sa tapinh Good Luck and Congrats ate,” ayon naman sa isa pa.

Screenshot mula sa Instagram ni Angeline Quinto

Dahil marami ang mukhang nagalit, pinayuhan na lang ng singer ang kaniyang followers na ‘wag nang patulan ang basher.

Aniya, “Iloveyou guys magagalit ang mamabob kung puro hate tayo. Hindi yan ang itinuro niya sa akin.”

Hindi ito ang unang pagkakataon na pinatulan ni Ange ang mga negatibong komento sa kaniya sa social media.

Noong Agosto ay sinagot ng singer ang nagsabing insensitibo siya sa mga walang makain matapos niyang ibahagi ang larawan ng kaniyang lunch. Noong nakaraang taon naman ay binuweltahan din niya ang basher na nagkomento tungkol sa kaniyang suot sa ASAP.

Loading…