Ano ang hiling mong pamasko mula kay Santa Claus ngayong 2020?

  • Naaliw ang mga netizens sa isang post sa Facebook page na “CFO Peso Sense”
  • Nakalagay kasi roon ang isang note o liham ng sender para kay Santa Clause
  • Hiling daw niya ay matabang bank account at slim na figure, na napagbaligtad daw nito noong nakaraang taon

May pandemya man o wala, iisa lamang ang sigurado: tuloy na tuloy pa rin ang pagdiriwang ng Pasko. Marami man ang nangyari ngayong 2020, hindi makapapayag ang mga Pilipino na basta-basta na lamang mapalagpas ang mga karaniwang tradisyon o nakasanayan na, gaya na lamang ng paniniwala kay Santa Claus at sa mga regalong dala niya kasama ang reindeers.

Kaya naman kinaaliwan ng mga netizens ang isang Facebook post sa page na “CFO Peso Sense” kung saan makikita ang isang note o liham ng hindi nakilalang sender, para kay Santa Claus. Nakasaad dito na “Dear Santa, Ang gusto ko pong regalo ay MATABANG bank account at SLIM na figure, napagbaliktad mo kasi lasy year eh.”

Imahe mula sa Facebook page na “CFO Peso Sense / Public Domain Image

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens. Kaniya-kaniya rin sila ng pagbibigay ng kanilang mga wish list para kay Santa Claus.

“Ako po, dyowa! Para hindi na malamig ang Pasko ko!” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Sana po magkaroon na ako ng work, kasi natanggal po ako sa kompanyang pinagtatrabahuhan ko dahil nga sa pandemya.”

“Good health and abundance of wealth,” wika naman ng isa.

Pahayag naman ng isa, “Kahit wala pong regalo, basta gumaling at mawala na lang ang salot na COVID-19. Malakas na pangangatawan, mahabang buhay para sa pamilya at mawala na yung mga problema ko na nagpapasakit ng ulo ko, masaya na po ako ngayon Pasko.”

Public Domain Image

Ayon naman sa isang frontliner na itago natin sa pangalang “Daisy,” ang ultimate wish talaga ng lahat, ay tuluyan na nga sanang mawala ang COVID-19 upang maka-recover na ang lahat, at maibalik na rin sa dating normal ang lahat. Malawakan kasi ang naging epekto ng pandemya, hindi lamang sa aspeto ng kalusugan, kundi maging sa lahat ng sektor ng lipunan kagaya ng edukasyon, industriya, ekonomiya, entertainment, at iba pa.

Hiling naman ni Lucas, isang mag-aaral, nawa ay maging maganda naman ang pasok ng 2021 para sa lahat. Bawat buwan kasi nitong 2020 ay puro matitinding pagsubok ang dumating sa bansa, at maging sa buong daigdig.

Ikaw, ano ang hiling mong pamasko mula kay Santa Claus ngayong 2020?

Loading…