“Artificial Sun” ng China na may potensyal na makagawa ng unlimited clean energy, binuksan na

Screenshot mula sa SCMP video
  • Binuksan na ng China ang “artificial sun” nito na may potensyal na makagawa ng unlimited clean energy
  • Ang opisyal na pangalan ng “artificial sun” ay HL-2M Tokamak reactor
  • Tinatayang aabot sa mahigit 150 million degress celcius ang temperatura ng “artificial sun” na sampung ulit na mas mainit kaya sa pinakasentro ng Sun

Tagumpay na binuksan ng China sa unang pagkakataon ang “artificial sun” nuclear fusion reactor na isang hudyat sa napakalaking pagsulong sa kapabilidad ng bansa sa nuclear power research.

Imahe mula sa STR

Ang HL-2M Tokamak reactor, na matatagpuan sa Sichuan province, ang pinakamalaki at pinakamodernong nuclear fusion experimental research device ng China na may potensyal na makapagbukas ng unlimited source ng malinis na enerhiya.

Tinatayang aabot sa mahigit 150 million degress celcius ang temperatura ng “artificial sun” na sampung ulit na mas mainit kaya sa pinakasentro ng Sun.

“The development of nuclear fusion energy is not only a way to solve China’s strategic energy needs, but also has great significance for the future sustainable development of China’s energy and national economy,” ayon sa ulat ng People’s Daily.

Ang kakayahan ng HL-2M Tokamak reactor na magkaroon ng ultra-high temperature ay napakahalaga para sa fusion process research. Gamit ang mga gas na hydrogen at deuterium bilang gatong ay nakokopya nito ang paraan ng Sun sa paggawa ng enerhiya.

Screenshot mula sa Dashlane video

Ang hydrogen at deuterium ay nagiging extremely heated plasma na kailangang ikulong. At ang isang paraan para makulong o ma-confine ang plasma ay sa pamamagitan ng device na na-develop ng mga scientists na hugis donut na tinawag na Tokamak na gumagamit ng powerful magnetic field para ma-trap ang plasma.

Ang fusion technology na ginagamit sa “artificial sun” ay kaiba sa fission technology na ginagamit sa mga nuclear power plant na ngayon ay hindi na umano itinuturing na safe simula nang mangyari ang eksplosyon sa Fukishima Daiichi nuclear power plant sa Japan noong 2011.

Sa fission technology, ang isang mas malaking atom ay pinaghihiwalay sa dalawa o higit pang mas maliit na atoms, samantalang sa fussion technology, ang dalawa o higit pang mas magaan na atom ay pinagsasanib para maging isang mas malaking atom.

Screenshot mula sa Dashlane video

Mga benepisyo ng nuclear fusion technology:

  • Inexhaustible energy supply, raw materials widely available (ang mga materyales ay makukuha sa dagat na tatagal ng ilang milyong taon)
  • Fusion is completely environmentally friendly (hindi naglalabas ng mga harmful toxins gaya ng carbon dioxide. Ang by-product nito ay Helium na isang inert, non-toxic gas)
  • Fusion technology is compeletely safe (hindi magagamit sa paggawa ng mga armas at hindi mangyayari ang meltdown tulad sa mga nuclear power plant)

Sa ngayon, may isang malaking problemang kinakaharap ang fusion technology. Hindi sulit ang nagagawa nitong enerhiya. Gumagamit ito ng mas maraming power  para magkaroon ng fusion kaysa sa power na nagagawa ng fusion.

Screenshot mula sa Dashlane video

Loading…