Asawa ni April Boy nagpasalamat sa buwan-buwang suporta ni Pang. Duterte para sa gamot nito

Imahe mula sa Facebook at PNA
  • Nagpasalamat ang asawa ni April Boy Regino kay Pang. Rodrigo Duterte
  • Kuwento niya, mula pa noong alkalde pa lamang si Duterte ay tumutulong na ito sa buwan-buwang maintenance ni April Boy
  • Nagpasalamat din siya sa mga nagpaabot ng pakikiramay sa kanilang pamilya

Nagpahayag ng kaniyang taos-pusong pasasalamat ang asawa ni April Boy Regino kay Pang. Rodrigo Duterte na siyang nagbibigay ng suporta sa maintenance nito mula pa noon.

Imahe mula sa Facebook | Madelyn Regino

Kuwento ni Madelyn Regino sa isang Facebook post, simula pa noong mayor pa lamang si Duterte ay tumutulong na ito sa pantustos sa mga gamot ni April Boy hanggang ngayon na isa na siyang pangulo.

“Maraming salamat sa aming mahal na mahal na Pangulong Duterte na mula noon hanggang sa huling laban ng buhay ng aking mahal na mahal na asawa ay hindi niya ito binatawan,” pahayag ni Madelyn sa isang Facebook post.

“Sa hindi po nakakaalam, si Tatay Digong po ang nagbibigay buwan-buwan para sa maintenance ng mga gamot ni Idol, simula pa noong mayor pa lang siya hanggang sa naging presidente na siya.”

Imahe mula sa Facebook | Madelyn Regino

Pumanaw si April Boy sa edad na 59 matapos ang kaniyang pakikipaglaban sa chronic kidney disease at acute respiratory disease. Ibinahagi rin ni Madelyn ang mga video ng mga huling sandali kasama ang asawa.

“No more pain sa iyo, mahal. Sobrang pain naman sa akin. Sabi mo gusto mo pang mabuhay dahil gusto mo pa akong makasama. Bakit mo ako iniwan? Ang daya mo, mahal. Hindi ko pa kaya,” sabi niya sa caption.

Samantala, nagpasalamat naman siya sa lahat ng mga nagpaabot ng pakikiramay sa kanilang pamilya, kabilang na iyong mga nagbigay ng tribute para kay April Boy.

Nakilala si April Boy sa kaniyang mga awiting Di Ko Kayang Tanggapin, Paano ang Puso Ko, at Umiiyak ang Puso.

Nakalagak ngayon ang mga labi ng OPM icon sa 160 M.H. Del Pilar St., Kalumpang Marikina City.

Source :

Facebook

Loading…