Australia, China magbibigay ng COVID vaccine sa ‘Pinas

Imahe mula sa Straits Times
  • Mamamahagi ng bakuna sa Pilipinas ang bansang Australia at China
  • Tiniyak naman ni vaccine czar Sec. Galvez na magiging maayos ang transaksiyon sa pagitan ng dalawang gobyerno
  • Itinanggi rin ni Galvez na naisasantabi ang mga mayayamang Pinoy dahil sa polisiya ng gobyerno

Mamahagi ng bakuna kontra COVID-19 ang bansang Australia at China ayon kay COVID policy chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. sa ginanap na public address ng Palasyo nitong Lunes nang gabi, Disyembre 7.

“Maganda po na iyong mga bansa ay nakabili ng more than their population, they are more than wiling to share it with us, particularly ang Australia at ibang bansa, and I believe ang China po,” bahagi ni Galvez.

Screenshot mula sa PCOO video

“Nakausap na po namin si (Chinese) Ambassador Huang Xilian. They might be able to give some, contribute…ngayon po on-going ang negotiation namin sa kanila,” wika pa ng kalihim.

Tiniyak din ni Galvez na maayos ang magiging transaksiyon sa pagitan ng dalawang gobyerno at walang ‘kickback’ ang sinuman kapag natuloy ang nabanggit na usapan.

Itinanggi rin ng opisyal na naisasantabi ng pamahalaan ang mga mayayamang Pinoy na nangangailangan din ng bakuna dahil sa polisiya ng administrasyon na uunahin muna yaong mga mahihirap na walang kakayang magbayad.

Samantala, mahigit 24 miyong Pilipino ang posibleng maunang maturukan ng bakuna at karamihan dito ay mga mahihirap, senior citizens at medical frontliners sa inisyal na vaccination drive ng gobyerno.

Imahe mula sa Russian Direct Investment Fund

Libre umano itong ipamamahagi sa kapulisan at militar, at sa mga frontliners ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Ang bawat turok ng bakuna ay tinatayang magkakahalaga ng $10 (P480) at bawat tao ay kailangan ito ng dalawang beses.

Ayon kay Galvez, nakahanda na ang pamahalaan na bumili ng COVID vaccine para sa 24.6 milyong mamamayan oras na maging available na ito sa susunod na taon.

Mga lugar sa Metro Manila, Metro Cebu, at Davao ang bibigyan ng prayoridad ayon sa Palasyo. Layon ng pamahalaan na maturukan ang 50 hanggang 60 porsiyento ng buong populasyon ng bansa upang maabot ang tinatawag na ‘herd immunity’.

Loading…