Babaeng may Down Syndrome na hindi natatanggap sa trabaho, nagtayo ng sariling negosyo

Imahe mula sa Instagram account ni Collette Divitto
  • Isang babaeng may Down Syndrome ang nagtayo ng sariling kumpanya dahil sa paulit-ulit na rejections na natanggap niya sa mga job interviews
  • Ginawang negosyo ni Collette Divitto ang hobby niyang pagbe-bake ng cookies
  • Pawang may mga disability ang mga empleyado niya
  • Ginagamit niya ang kanyang negosyo upang tulungan ang mga tulad niyang may disability at ipakita sa madla na ang tulad nila ay mayroong angking kakayahan at talento

Isang hobby para kay Collette Divitto ang pagbe-bake ng cookies, pero nang tumuntong siya sa edad na 26 ay ginawa na niyang itong negosyo dahil sa misyon niyang baguhin ang mundo “one cookie at a time.”

Imahe mula sa Instagram account ni Collette Divitto

Sabi ni Collette, na ipinanganak na may Down Syndrome, ginawa niya ang desisyong iyon kahit na wala siyang kamuwang-muwang sa pagnenegosyo dahil maraming ulit na siyang na-reject sa mga job interviews na ang kadalasang sinasabi sa kanya ay hindi raw siya “good fit” sa inaaplayang kumpanya.

“It was sad and it was hard. To me, it felt like they didn’t like me at all because of who I am. No one would hire me so I decided to open my own business,” sabi ni Collette na ngayon ay 30 years old na.

Lumalago na ang negosyo ni Collette na nakapagde-deliver ng libo-libong cookies at dog treats sa mga customers niya sa buong US kada linggo. Dumarami ang kanilang produksyon kapag holiday. Nito lang nakalipas na dalawang linggo ay 30,000 cookies ang nagawa ng kanyang kumpanya na tinawag na Colletteys Cookies.

Imahe mula sa Instagram account ni Collette Divitto

“It’s always been a fun hobby, but now it’s about business. My company has grown so much in the last four years,” ani Collette.

Ginagamit niya ang kanyang negosyo upang tulungan ang mga tulad niyang may disability at ipakita sa madla na ang tulad nila ay mayroong angking kakayahan at talento.

Marami nang mga nakakakilala kay Collette kahit sa ibang bansa. Ilang beses na siyang naimbitahan upang magsalita at magbigay ng kanyang mensahe na naghihikayat sa mga tao na dapat mag-focus sa kanilang abilidad at hindi sa mga bagay na hindi nila kayang gawin.

Imahe mula sa Instagram account ni Collette Divitto

Loading…