Baby elepante na nahagip ng motorsiklo na-revive matapos bigyan ng CPR

Screenshot mula sa ABC video
  • Isang munting elepante ang nahagip ng motorsiklo sa Thailand
  • Walang malay na napahandusay ang baby elephant dahil sa insidente
  • Nailigtas ng isang off-duty rescue worker ang elepante nang gamitan ito ng CPR

Hindi inaasahan ni Mana Srivate na maililigtas niya ang isang baby elephant na nakita niyang walang malay na nakahandusay sa gitna ng kalsada matapos itong mahagip ng isang motorsiklo.

Screenshot mula sa ABC video

Nasa biyahe ang off-duty rescue worker na si Mana nang masaksihan niya ang pangyayari noong December 20. Tumatawid ang isang grupo ng mga wild elephants nang biglang salpukin ng isang motorcycle rider ang baby elepante.

Tumilapon ang rider at ang munting elepante dahil sa salpukan. Mabilis na umaksyon si Mana para tulungan ang hayop samantalang ang kanyang mga kasama naman ang nag-asikaso sa nahilong rider.

Ayon kay Mana, sa loob ng 26 years bilang rescue worker, marami nang tao na biktima ng mga aksidente ang ginamitan niya ng cardiopulmonary resuscitation (CPR) upang iligtas, pero ni minsan ay hindi pa niya ito nagawa sa mga hayop, lalo na sa isang elepante. Pero kailangan daw niyang subukan.

Screenshot mula sa ABC video

“It’s my instinct to save lives, but I was worried the whole time because I can hear the mother and other elephants calling for the baby,” aniya.

Tinantya lang daw niya kung saan ang puwesto ng puso ng mga elepante bago niya ginawa ang CPR.

“I assumed where an elephant heart would be located based on human theory and a video clip I saw online,” sabi  ni Mana.

Sa video, makikita siyang gumagawa ng two-handed compressions sa dibdib ng baby elepante. Sa isang bahagi ng kalsada ay makikita naman ang mga kasama niya na tinutulungan ang rider na nakabangga, na sa kabutihang palad ay hindi naman gaanong nasaktan.

Screenshot mula sa ABC video

Na-revive ang baby elephant makalipas ang sampung minutong pag-CPR dito ni Mana.

“When the baby elephant started to move, I almost cried,” aniya.

Isinakay nila sa truck ang elepante at dinala sa isang lugar upang bigyan ng karampatang lunas. Agad rin nila iyong ibinalik sa pinangyarihan ng aksidente upang muling makapiling ang ina nito.

Screenshot mula sa ABC video

Loading…