Bagong boses ni Bugs Bunny, lahing Pinoy

Screenshot mula sa CBC News video
  • Isang Filipino-Canadian ang bagong boses ni Bugs Bunny
  • Si Eric Bauza na isinilang at lumaki sa Canada ay anak ng Filipino immigrants
  • Bata pa lang si Eric ay nakitaan na siya ng talento sa panggagaya ng mga boses

Dugong Pinoy ang nananalaytay sa bagong voice actor na nagsasabuhay sa cartoon character na si Bugs Bunny sa bagong Looney Tunes Cartoons series na nakatakdang ilabas sa HBO Max ngayong taon.

Screenshot mula sa CBC News video

Si Eric Bauza na isinilang at lumaki sa Ontario, Canada ay anak ng mga Filipino immigrants na sina Eddy, na nagtatrabaho doon bilang correctional officer, at Elvira na isang property assessment clerk.

Bata pa lang siya ay nakitaan na ng husay sa panggagaya ng mga boses. Kwento ng kapatid niyang si Alan, madalas daw gayahin ni Eric ang Pinoy accent ng mga magulang nila. Pati ang mga napapanood na mga cartoon characters ay ginagaya ng nakababatang kapatid.

Sabi pa ni Alan, minsan daw pag-uwi niya sa bahay ay narinig niya ang maraming boses sa loob ng kwarto ni Eric. Inakala raw niyang naroroon ang mga kaibigan nito. Iyon pala, nag-iisa lang si Eric at gumagamit ng boses ng iba-ibang karakter ng “The Simpsons.”

Napakinabangan din ni Eric ang talento sa kanyang pag-aaral. Minsan na siyang pinayagan ng school admin na mag-deliver ng morning announcements para sa mga estudyante gamit ang boses ni Homer Simpson.

Screenshot mula sa CBC News video

Ginamit rin niya ang voice talent niya sa kaunting “kalokohan” – minsan ay ginaya niya raw ang boses ng school secretary na kunwari ay ipinatatawag siya.

“I used that voice to call myself out of class,” bida ni Eric na nakapagtapos ng high school bilang valedictorian, hindi dahil matalino siya, kundi dahil nakakatuwa raw siya at kayang magpasunod ng marami dahil sa kanyang leadership skills.

“I was the valedictorian — not for my smarts but just because I was entertaining,” aniya.

Bukod kay Bugs Bunny, siya rin ang bumoboses kay Marvin The Marian, Tweety Bird at Daffy Duck.

Screenshot mula sa CBC News video

Kasama si Eric sa “Space Jam 2,” isang live-action/animated film tampok ang NBA superstar na si Lebron James.

“Yesterday was my birthday and I spent my entire birthday with LeBron James on the set acting with him. He needed someone there to read lines of these characters so he had believable interaction,” kuwento ni Eric.

Imahe mula sa Pop Culture Times

Kahit maraming beses na niyang binobosesan si Bugs Bunny, palagi pa raw siyang nanonod ng mga lumang episode ng cartoon series. Aniya, iyon daw ang bersyon niya ng pagpunta sa gym.

Source :

The Star, YouTube

Loading…