Bagong paboritong “workout” ni Anne Curtis kinaaliwan

  • Natuwa ang mga netizens sa mag-inang Anne Curtis at Baby Dahlia Amelie
  • Namamasyal sila kasama ang mister na si Erwan Heussaff sa Sleepy Bay sa Tasmania
  • Bagong paboritong ‘workout’ na raw ni Anne ang pagkarga sa kaniyang baby

Wala man ngayon sa Pilipinas at hindi napapanood nang regular sa “It’s Showtime,” updated naman ang mga tagahanga at tagasubaybay ni Anne Curtis-Heussaff sa mga kaganapan sa kaniyang buhay-may-asawa; salamat sa mga social media platforms na nagmimistulang “bintana” sa mga pinagkakaabalahan ng mga sikat na celebrities.

Sa bagong Instagram post ng tv host-actress, sinabi niyang may paborito na siyang workout ngayon.

Imahe mula sa Instagram account ni Anne Curtis

“My new favorite kind of workout- hikes and walks with this little girl strapped to me, swinging her happy little feet to and fro,” saad ni Anne na tumutukoy sa pagkarga niya kay Baby Dahlia Amelie habang naglalakad.

“Kinda feels like being pregnant all over again,” dagdag pa niya.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“The most beautiful photo of yours Anne: no make up photo, natural beauty is my favorite,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Beautiful mom and daughter! Happy to see a celebrity find time to be a Mom to your cute little Dahlia! Miss you on TV!”

“It’s good to see you again, Miss Anne! I really want to bring my two daughters to hike or something like nature tripping. Kaso wala naman ganyan dito sa Plipinas. Baby Dahlia is growing so fast!” pahayag naman ng isa.

Imahe mula sa Instagram account ni Anne Curtis / Erwan Heussaff

Isinilang ni Anne Curtis si Baby Dahlia Amelie noong Marso 2, 2020 sa Australia.

“Never knew I could love someone so much… So much that it hurts in a good way… it’s an unexplainable kind of love. The kind I’ve never felt before. It’s so overwhelming and fills your heart to the brim with pure happiness,” saad ni Anne noon sa kaniyang Instagram post.

Dagdag pa niya, “I will always be here to love, protect, guide and hold her little hand every step of the way… even when that little hand isn’t so little anymore.”

Makikita rin sa Instagram post ni Erwan Heussaff ang pamamasyal nila ng kaniyang mag-ina sa Sleepy Bay, Freycinet Peninsula, Tasmania.

Loading…