Bahagi ng Skyway Stage 3 bukas na sa Disyembre 29; toll fee libre sa loob ng isang buwan

Imahe mula sa Facebook - Ramon S. Ang
  • Bahagyang bubuksan na sa motorista ang Skyway Stage 3 sa Disyembre 29
  • Walang bayad ang lahat ng magdaraan dito sa loob ng isang buwan
  • Nagpasalamat din ang SMC sa suporta ng gobyerno sa kanilang proyekto

Bahagyang bubuksan sa mga motorista ang bahagi ng Skyway Stage 3 nitong Martes, Disyembre 29 at bilang handog pamasko ng San Miguel Corporation (SMC), walang bayad ang lahat ng magdaraang dito sa loob ng isang buwan.

Inanunsiyo ni SMC President at COO Ramon S. Ang (RSA) ang pagbubukas ng nabanggit na proyekto sa kaniyang Facebook post nitong Lunes.

Screenshot mula sa Facebook – Ramon S. Ang

“I am pleased to announce the partial opening tomorrow, December 29, of our 18-km Skyway Stage 3, for free to motorists for one month,” wika ni Ang.

Inaasahan ding magiging fully-operational na ito sa darating na Enero 14, ayon pa kay RSA.

“Despite the continuous rains that delayed its completion, the entire team worked so hard to deliver this game-changing project,” dagdag pa ng negosyante.

Imahe mula sa Facebook – Ramon S. ANg

Ang 18 kilometrong elevated expressway na nagkakahalaga ng P37.4-B ay inaasahang magpapaikli ng oras ng biyahe mula SLEX hanggang NLEX mula sa kasalukuyang tatlong oras hanggang 20 minuto na lamang.

Sa pamamagitan ng bagong kalsadang ito, ang biyahe mula Magallanes hanggang Balintawak ay aabutin ng 15 minuto na lamang; ang biyaheng Balintawak hanggang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay halos ganun din; habang mula Valenzuela hanggang Makati ay 10 minuto na lamang ang aabutin.

Imahe mula sa Facebook

Malaki rin ang pasasalamat ni RSA kay Pangulong Duterte, Public Works Secretary Mark Villar,  Transportation Secretary Arthur Tugade at Finance Secretary Sonny Dominguez dahil sa suporta na kanilang natanggap mula sa gobyerno.

“We all did it! Truly amazing what we can achieve when we work together with a shared vision, and for a worthy goal. Sama-sama. Babangon tayo,” ayon pa sa SMC President.

Loading…