“Bahay ni Kap:” Barangay hall sa Iligan City hango sa PBB House

  • Hinango sa “Bahay ni Kuya” ng Pinoy Big Brother ang bagong pasinayang barangay hall sa San Miguel, Iligan City
  • Ipinagmalaki mismo ito ni Iligan City Representative Frederick Siao
  • Aniya, limang milyong piso ang ginastos para sa pagpapatayo nito

Pinasinayaan na ang pinag-uusapang bagong barangay hall sa San Miguel, Iligan City na hinango sa “Pinakasikat na Bahay” sa Pilipinas na “Pinoy Big Brother” o PBB house.

““Hopefully this will be of great benefit to the barangay council and the residents of Barangay San Miguel,” ayon mismo sa Facebook post ni Iligan City Representative Frederick Siao. Ayon sa kaniya, umabot sa limang milyong piso ang pagpapagawa ng naturang barangay hall.

Imahe mula sa Facebook account ni Iligan City Rep. Frederick Siao

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“The structure of the building which is PBB-inspired will remind us that we, members of the council together with our constituents, should work hand-in-hand and perform our tasks to have a better and well developed Barangay. Congratulations Barangay San Miguel! Thank you Kuya Frederick Siao our working congressman,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Lagyan din sana ng maraming camera sa loob para makita ni ‘Kuya Kap’ ang mga kawatan at gumagawa nang masama. Good job! Ito ang Bahay ni Kap!”

“Hango sa Big Brother house, pati mga opisyales ay boses na rin lang daw maririnig. Show up lang kapag malapit na final night, hahaha. Sana po talaga it will serve its purpose, na maging takbuhan ng mga nangangailangan sa naturang barangay,” wika naman ng isa.

Imahe mula sa Facebook account ni Iligan City Rep. Frederick Siao

Noong Nobyembre 24, proud na ibinahagi pa ni Siao ang mga larawan nito, na malapit nang matapos. Tamang-tama naman dahil noong Linggo, Disyembre 6, 2020, ay nagsimula na ulit ang panibagong edition ng reality show na ito, na tinawag na “PBB Connect” hosted pa rin nina Toni Gonzaga, Bianca Gonzales, Robi Domingo, Kim Chiu, Enchong Dee, at Melai Cantiveros.

Loading…