Basty Buto, ang 10-year-old chess wizard mula sa Marawi, suportado ng Bangsamoro Sports Commission

Imahe mula sa Philippine Muslim Today
  • Todo-suporta ang BSC sa 10-year-old chess prodigy na si Basty Buto upang lalo pang ma-develop ang potensyal ng bata
  • Limang taong gulang pa lang si Basty nang sumabak sa mga chess tournaments at nakasungkit na ng mga gintong medalya sa mga international chess tournaments
  • Kasalukuyang naghahanda si Basty para sa 140-nation Chess tournament na nakatakda sa December 11, 2020 na gaganapin sa Georgia, USA

Tiniyak ng Bangsamoro Sports Commission (BSC) ang suporta nito sa sampung-taong gulang na chess prodigy mula sa Marawi City na si Al-Basher “Basty” Buto upang lalo pang ma-develop ang potensyal ng bata.

Imahe mula sa BARMM

“Rest assured that we will extend our support, in whatever means necessary, to Basty in further developing his potential and his eventual attainment of Chess Grandmaster,” sabi ni BSC Chairman Nu-man Caludtiag.

Si Basty, na isang Maranao ay anak ni Bong at Jamellah Buto mula sa Marawi City, ay ilang ulit nang nagdala ng karangalan hindi lang sa Bangsamoro community kung hindi maging sa buong bansa rin mula sa mga tagumpay na nakamit sa mga chess competitions sa loob at labas ng bansa.

Limang taong gulang pa lang si Basty nang sumabak sa mga chess tournaments at nakasungkit na ng mga gintong medalya sa mga international chess tournaments na  kanyang nilahukan kabilang ang 13th Asian Schools Chess Championship sa China at sa 8th Asean Age-Group Chess Championship sa Malaysia noong 2017.

Imahe maula sa Balita

Bahagi siya ng Philippine Team na lumahok sa Fide Online World Cadets at Youth Rapid Championships na aginananp noong November 28 hanggang December 3, 2020.

Noong nakaraang linggo ginawaran ng pagkilala ng Bangsamoro Transition Authority Parliament ang kahusayan ni Basty sa larangan ng chess at ang mga karangalang dala niya para sa bansa.

Batay sa resolusyon ni Parliament Member Atty. Rasol Mitmug, Jr., si Basty ay walang pormal na training sa chess. Ang tiyuhin niyang si Abdul Rahman Buto, ang nagturo sa kanya nito. Nahasa ang bata sa pakikipaglaro sa mga mas matatandang chess player sa mga sidewalk sa Quiapo, Maynila.

Kasalukuyan umanong naghahanda si Basty para sa 140-nation Chess tournament na nakatakda sa December 11, 2020 na gaganapin sa Georgia, USA.

Imahe mula sa Facebook account ni Al-basher Buto

 

Loading…