Batang lalaki, sumisigaw at todo ang pag-iyak sa pag-alis ng amang marino

Image capture from video by Marino Ph via Facebook
  • Trending sa social media ang video ng isang batang umiiyak sa pag-alis ng amang seaman
  • May pagkakataon pang napahiga ito sa sahig, nagpupumiglas at ayaw bitawan ang tatay
  • Ayon sa ina ng bata: “Hanggang ngayon, gabi-gabi pa ring umiiyak si March”

Paniguradong nakalulungkot ang pag-alis ng isang kamag-anak para mangibang-bansa sapagkat matagal na panahon din ang kailangang hintayin para muling magkita-kita. Papaano pa kaya sa isang bata na kailangang mangibang-bansa ang kaniyang ama para maghanapbuhay?

Image capture from video by Marino Ph via Facebook

Nakisimpatiya ang maraming netizens sa isang batang lalaki sa trending video footage na ini-upload sa FB page na Marino Ph. Mapapanood ang bata habang todo ang kasisigaw ng “Tatay! Tatay!”, niyayakap ang kanyang ama at umiiyak. Paalis na kasi sa mga sandaling iyon ang kanyang ama para magtrabaho sa ibang bansa bilang seaman.

Pinaghihiwalay sila ng kaniyang ina yamang kailangan talagang magtrabaho ng ama pero nagpupumiglas ang bata. May pagkakataon pang napahiga ito sa sahig dahil sa emosyong nadarama. Sa huli ay naipasok din sa loob ng sasakyan ang bata.

Pahayag ni M. E. Batac na siyang ina ng bata, ayon sa post, “Noon, nalulungkot ako para sa sarili ko dahil aalis na naman ang asawa ko. Ngayon, nalulungkot na ako para sa mga anak ko dahil kahit anong paliwanag ‘di pa nila maiintindihan. Napakasakit [na] makita silang malungkot sa pag-alis ng tatay nila.”

Hanggang ngayon, dagdag pa nito, ay umiiyak pa rin daw ang anak niyang si March at hinahanap pa rin ang tatay. “It really breaks my heart to see March cry like this for the first time.”

CLICK the image to watch the video via Marino Ph on Facebook

Nakakuha ng atensyon sa social media ang update na mayroon nang higit 1,700 reaksyon at abot 260 pagbabahagi habang ipino-post ito. Komento ng isa, “Masakit at mabigat sa kalooban pero laban lang, tiis, tiyaga at sakripisyo. Puhunan sa magandang kinabukasan.”

Anang isa pa, “Ramdam ko ‘yan sender. Ganyan din ang mga anak ko, ‘pag umaalis na daddy nila. Pray lang tayo at sabihin mo sa anak mo na mabilis lang ang araw, uuwi rin ang daddy niya. God bless.”

Source :

Facebook

Loading…