Beach party sa Batangas resort kinondena ng DOT dahil sa paglabag sa health protocol

Screenshot mula sa video ng ABS-CBN News
  • Kinondena ng DOT ang ginawang beach party sa Batangas resort kamakailan
  • Lumabag kasi sa health protocol ang mga dumalo sa nasabing kasiyahan
  • Kinansela na rin ang business permit ng sangkot na establisimyento

Kinondena ng Department of Tourism (DOT) ang ginawang beach party kamakailan sa isang resort sa Batangas dahil diumano sa paglabag sa health protocol ng mga dumalo sa kasayahan.

Sa isang pahayag, tinawag ng DOT na ‘reckless social gathering’ ang pagtitipon na ginanap sa Blue Coral Beach Resorts Inc. sa Barangay Laiya bayan ng San Juan sa Batangas.

Screenshot mula sa video ng ABS-CBN News

Nakunan ng video ng isang concerned netizen ang kaganapan kung saan makikita ritong nagkakasayahan ang mga tao na walang suot na face mask at hindi na rin nasusunod ang physical distancing.

Isa umano itong malinaw na paglabag sa guidelines na ipinatutupad ng IATF.

“The said mass gathering, documented on video by concerned individuals, shows a large group of individuals partying without face masks, face shields nor observance of physical distancing protocols at the beach of the said resort, which violates the guidelines set by the Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) for areas under general community quarantine (GCQ),” ayon sa pahayag ng DOT.

Kaugnay nito, pinuri naman ng ahensiya ang lokal na pamahalaan ng San Juan matapos nitong suspendihin ang business permit at sampahan ng kaukulang reklamo ang resort dahil sa naturang insidente.

Screenshot mula sa video ng ABS-CBN News

Kamakailan lamang, isang beach at pool party rin ng isang BPO company sa Subic ang itinuturong sanhi ng pagkalat ng coronavirus kung saan umabot sa 25 empleyado ang nahawahan noong nakaraang buwan.

BASAHIN: 25 empleyado ng BPO sa Subic nagpositibo sa COVID matapos dumalo sa beach at pool party

Sa pagkakataong ito, hindi raw naging matapat ang ilang trabahador na ideklara ang kanilang tunay na nararamdaman at pumasok pa sa trabaho dahil sa ‘no work, no pay’ policy kaya lalong kumalat ang virus sa loob lamang ng isang araw.

Noong nakaraang buwan din ay binatikos ng DOT ang isa namang party sa pribadong establisimyento sa Boracay kung saan pinagmulta ang organizer ng P5,000 habang dalawang banyaga naman ang kinasuhan dahil sa pagsuot ng uniporme ng PNP.

Panoorin ang video ng party via ABS-CBN News:

Loading…