Believe it or not: Internet speed sa bansa bumilis sa kabila ng mataas na demand dahil sa pandemya

Imahe mula sa Unicef
  • Internet speed sa bansa bumilis, ayon sa Ookla
  • Ang pagbilis ng internet speed ay naranasan sa kabila ng pagtaas ng demand sa internet dahil sa work-form-home at online classes bunsod ng mga lockdowns dahil sa pandemya
  • Tumaas ng 500 percent ang demand sa internet sa bansa simula noong March 2020

Bumilis ang internet speed sa bansa – fixed broadband at mobile network – sa gitna ng pagtaas ng demand na resulta ng pandemya kung saan dumami ang bilang ng mga gumagamit ng internet dahil sa work-from-home arrangements at sa online classes.

Imahe mula sa DF

Ito ay ayon sa ulat noong nakaraang buwan ng Nobyembre ng Ookla, ang global leader sa mobile at broadband network intelligence, testing applications at technology.

Para sa fixed broadband, nakapagtala ang bansa ng average download speed na 28.69 megabits per second (Mbps). Katumbas ito ng 262.71 percent increase mula sa downlad speed na 7.44 Mbps na naitala noong July 2016.

Samantala, ang overall performance ng mobile network ay nakapagtala ng average download speed na 18.49 Mbps na katumbas ng 48.52 percent increase mula sa dating 7.44Mbps apat na taon na ang nakalilipas.

Ang consistent na pagbilis ng internet speed sa Pilipinas ay nangyari sa kabila ng mga lockdowns na ipinatupad dahil sa COVID-19 pandemic na naging sagabal para sa mga telecommunications companies sa paggawa nila ng mga bagong cell sites at maintenance ng mga cell towers sa ilang bahagi ng bansa simula noong buwan ng Marso 2020.

Imahe mula sa Ookla

Kapansin-pansin din na patuloy na bumilis ang internet speed sa kabila ng sunud-sunod na bagyo at ng 500 percent na increase sa demand sa internet dahil sa online classes at work-from-home arrangements.

Ayon pa sa Ookla,lalo pang bibilis ang internet speed sa bansa matapos mangako ang mga local government units at ang Department of Interior and Local Government na ibibigay ang kanilang full cooperation sa pagpapabilis ng pag-issue ng permit kaugnay ng paggawa ng mga cellular towers.

Imahe mula sa Sugbo

 

Loading…