Bentahan ng mga sasakyang de-gasolina at krudo ipagbabawal sa Japan sa mid-2030s

Imahe mula sa Plaza Homes
  • Planong ipagbawal sa Japan ang bentahan ng mga conventional cars sa mid-2030s
  • Ang inisyatibo ay bahagi ng target ng Japan na maging isang zero emission society sa taong 2050
  • Paiigtingin ng Japanese government ang pagpo-promote ng mga hybrid at electric cars upang mapabilis ang decarbonization ng automobile industry ng bansa

Pagsusumikapan ng Japan na gawing eco-friendly ang lahat ng bentahan ng mga bagong sasakyan pagdating ng kalagitnaan ng 2030s kasabay ng pakikilahok nito sa lumalaking komunidad ng mga nasyon na determinadong pabagalin ang smoke emission sa mundo.

Imahe mula sa Japanese Car Trade

Pinag-iisipan ng Ministry of Economy, Trade and Industry na ipagbawal na ang bentahan ng mga conventional cars na gumagamit ng gasolina at krudo upang lumipat sa hybrid cars o electric cars pagdating ng 2030s.

Ang naturang plano ay bahagi ng mas mahirap na target ng Japan na nauna nang itinakda ni Prime Minister Yoshihide Suga – ang maging isang zero emission society sa taong 2050.

Paiigtingin ng Japanese government ang pagpo-promote ng mga hybrid at electric cars upang mapabilis ang decarbonization ng automobile industry ng bansa.

Target ng Japan na maging 50% hanggang 70% ang mga eco-friendly vehicles sa bansa sa taong 2030. Sa kasalukuyan, 29% lang ng 5.2 million new motor vehicle registrations ang hybrid at electric cars, ayon sa Automobile Manufacturers Association.

Bagama’t pinasikat ng Toyota ang hybrid cars sa pamamagitan ng Prius at ang mga automakers sa bansa ay kabilang sa top producers ng mga naturang uri ng sasakyan, ang demand para sa electrified vehicles ay hindi na nagkaroon ng progreso  nitong mga nagdaang taon.

Imahe mula sa Toyota

Tulad ng Japan, target din ng China na alisin ang mga conventional cars sa 2035. Ang United Kingdom naman ay aipagbabawal na ang mga bentahan ng de-gasolina at de-krudong mga sasakyan sa 2030, samantalang sa 2040 namanito gagawin ng France at Singapore.

 

Loading…