Beteranong singer na si Ray Ann Fuentes kritikal ang kondisyon; pamilya dinapuan din ng COVID

Imahe mula sa Christianity Malaysia
  • Nasa kritikal na kondisyon si Ray Ann Fuentes matapos dapuan ng coronavirus
  • Maging ang kaniyang misis at dalawang anak ay nahawahan din ng virus
  • Humihingi ng panalangin ang kaniyang mga anak para sa kaligtasan at paggaling ng kanilang mga magulang

Nasa kritikal na kalagayan ang beteranong OPM singer na si Ray Ann Fuentes matapos isugod sa ICU ng isang ospital dahil sa coronavirus.

Maging ang kaniyang maybahay, anak na babae at isang anak na lalaki ay sabay-sabay ding nahawahan ng virus, ayon na rin sa mga Facebook update ng OPM veteran.

Screenshot mula sa Facebook

Unang ibinahagi ni Fuentes na nagpositibo siya at miyembro ng kaniyang pamilya noong Linggo, Nobyembre 29.

“The results are out! Except for my eldest son, we all tested POSITIVE for Covid19!” anang singer sa kaniyang Facebook.

Humingi rin siya ng panalangin para sa paggaling niya at ng kaniyang misis lalo pa pareho na silang senior citizen.

“At 68 and 66, my wife and I are high risk for this virus.  I really need the LORD to fight this battle for us because I don’t know if I have the strength to do so.  I have been fighting battles left and right – not just mine but my family’s as well – and at this point I am tired,” ayon sa post ni Fuentes.

Screenshot mula sa Facebook

Nitong Biyernes ay nagbahagi ng update ang OPM artist hinggil sa paglala ng kanilang kondisyon ng kaniyang asawa.

“Both Mei-ling and I have been admitted in the hospital with Mei-ling being the hardest hit. She has difficulty breathing and had to be intubated at the ICU,” ayon kay Fuentes.

“I am sending this note to my wife.  I don’t know if she can read or respond: Sweetie, I know how difficult this must be for you.  You definitely are the anchor of the family.  But the virus has stolen life from us,” mensahe niya sa kaniyang misis.

Screenshot mula sa Facebook

Ang pinakahuling update ni Ray Ann ay nitong Sabado kung saan sinabi nitong pinasok na rin siya sa ICU.

Dahil dito, humihingi ng patuloy na dasal ang kaniyang tatlong anak para sa kaligtasan at paggaling ng kanilang magulang.

Si Ray-Ann ay nakilala sa mga ilang kantang sumikat tulad ng “Umagang Kay Ganda” kasama ni Tillie Moreno. Iniwan niya ang showbiz noong 1988 at nag-migrate sa Canada kasama ang kaniyang pamilya taong 1997.

Loading…