Bigay now, Tulfo later? Babae sinisingil ng ex sa mga nagastos noon sa kaniya

Imahe mula sa video via YouTube
  • Nagpatulong sa programa ni Raffy Tulfo ang isang babae na sinisingil ng kaniyang ex sa mga nagastos nito noon sa kaniya
  • Maging mga nagastos sa pagkain at gas ay kabilang din sa listahan niya
  • Nagkasundo naman ang dalawa at hindi na raw sisingilin ng lalaki ang kaniyang ex-girlfriend

Dumulog ang isang babae sa programa ng brodkaster na si Raffy Tulfo dahil diumano ay sinisingil siya ng kaniyang ex-boyfriend sa mga nagastos nito noong magkarelasyon pa sila.

Imahe mula sa video via YouTube

Ipinakita pa ni Cherryl Romo kay Tulfo ang listahan na naglalaman ng mga bagay na sinisingil sa kaniya ng dating boyfriend na si Jonie Soneja. Kabilang dito ang pantalon, gulay, manok, gas, at maging ang cash na binigay niya sa ina ni Cherryl bilang regalo.

“Mula po nung naghiwalay kami, naging utang na po lahat ng ibinigay niya sa akin. Bayaran ko raw. Pero hindi ko po yun inutang, bigay niya po ‘yon sa akin,” ani Cherryl.

Nagalit daw kasi sa kaniya si Jonie nang magdesisyon siyang makipaghiwalay rito dahil pinipilit siya ni Jonie na may mangyari sa kanila kahit ayaw niya. Dagdag niya pa, may mga nabigay rin naman siya kay Jonie habang sila pa.

Imahe mula sa video via YouTube

“Sinabihan ko nga rin po ‘yan na kung pwedeng bawiin ‘yong kaligayahan na binigay ko sa iyo, pero ‘di ako ganoon. Pareho naman tayong naligayahan nung mga time na ‘yon. Nagbigayan tayo. Ibinigay ko sa iyo kung paano asikasuhin parang asawa,” paliwanag pa niya.

Samantala, pinayuhan naman ni Tulfo si Jonie na huwag nang ituloy ang paniningil kay Cheryl at mag-move on na lamang. “Wag mo nang bawiin. Binigay mo namang kusa, hindi naman niya hinuthot…. Be a gentleman. Move on na lang kayo pareho,” aniya.

Sa huli ay nagkasundo naman ang magkabilang panig. Ipinapunit na lamang ni Tulfo ang papel na listahan ng  mga utang daw ni Cherryl.

Source :

YouTube

Loading…