Bilang ng mga estudyanteng uma-atttend sa distance learning bumababa – Teachers’ Dignity Coalition

Imahe mula sa DepEd
  • Bumababa na ang bilang ng mga estudyanteng uma-attend ng online class at nagpapasa ng learning modules
  • Sinabi ng Teachers’ Dignity Coalition na wala na sa kalahati ang lumalahok sa distance learning
  • Ang nangyayaring ganito ay resulta raw ng hindi pagsasagawa ng pamahalaan ng dry run bago simulan ang distance learning

Bumababa na ang bilang ng mga etudyanteng lumalahok sa distance learning na ipinatutupad ng Department of Education, ayon sa isang grupo ng mga guro.

Imahe mula sa Teachers’ Dignity Coalition Facebook page

Sinabi ni Benjo Basas, ang national chairman ng Teachers’ Dignity Coalition na resulta ito ng hindi pagsasagawa ng pamahalaan ng dry run para sa naturang learning method. Aniya, wala na sa kalahati ang mga uma-attend ng pag-aaral, online man o modular.

“Nakikita po namin na bumababa ang bilang ng mga bata dun sa participation both in modular and online mode. Kung dati, out of 40 na estudyante, may umaattend pa na hanggang 30 ang maximum, ngayon bumaba na po talaga, ‘di na po ‘yan nangangalahati,” ani Basas.

Aniya, kakaunti na rin ang mga nagpapasa o sumasagot ng mga learning modules. At kung may magpasa man ay limitado ang mga sinasagutan.

“’Yung sumasagot sa modules lumiliit na rin. At least, nagpapasa pa pero ‘yung iba ‘di na talaga nagpapasa. Kung nagpapasa man ay napaka-limited na nung sagot dun sa modules,” anang guro.

Nagpahayag naman ang grupo ng suporta sa ginawa ni Pangulong Rodrigo Duterte na kanselahin ang planong dry run ng limited face-to-face classes dahil sa banta ng bagong mutation ng COVID-19.

Imahe mula sa Teachers’ Dignity Coalition

“Ito ay dry run lamang supposedly pero nalalagay pa rin sa panganib ang ating teachers at mag-aaral,” wika ni Basas.

Narito ang ilang komento ng mga guro tungkol sa bumababang bilang ng mga estudyante sa distance learning:

“Mapalad nang maka-sampu. May pagkakataon pa nga isa lang ang um-attend sa akin.”

“Yes po. Karamihan po kahit sa messenger ang pagbigay ng instructions kokonti lang po ang naka-online.”

“Most students are not really interested to attend the class, but for the sake of grades they were forced to do so. We didn’t know sometimes kung nagsasabi pa ba ng totoo ang mga bata na kesyo nawala ang net, naubusan ng data, nasira ang gadget or nawalan ng kuryente.”

Imahe mula sa Lamudi

May isang guro naman na nais paimbestigahan ang mga estudyanteng binibigyan ng libreng load para makapag-online. Saan daw kaya ginagamit ng mga ito ang load kung hindi sila uma-attend ng online classes?

Source :

Facebook, ABS-CBN

Loading…