Black Nazarene dadalhin sa iba-ibang lugar sa Luzon; mga deboto’di na kailangang magtungo sa Quiapo

Imahe mula sa Quiapo Church
  • Ipinagbabawal ng mga awtoridad ang prusisyon ng Itim na Nazareno dahil sa COVID-19
  • Ang Itim na Nazareno ay dadalhin sa iba’t ibang lugar at simbahan sa Luzon upang hindi na dumagsa sa Maynila ang mga deboto
  • Ilang simbahang sa Maynila ang sabay-sabay na magmimisa sa araw ng kapistahan ng Itim na Nazareno upang makontrol ang dami ng tao na magsisimba sa Quiapo Church

Matapos ipagbawal ng mga awtoridad ang traslacion o prusisyon ng Itim na Nazareno upang maiwasan ang pagdagsa ng mga deboto sa Maynila, ang imahen na mismo ang dadalhin sa iba-ibang lugar at simbahan sa Luzon.

Imahe mula sa Quiapo Church

Sa isang press conference, ipinahayag ni Fr. Douglas Badong, ang parochial vicar ng Minor Basilica of the Black Nazarene na mas tanyag bilang Quiapo Church,  na walang magaganap na prusisyon subalit tuloy  pa rin ang selebrasyon ng kapistahan ng Itim na Nazareno bagama’t may malalaking pagbabagong gagawin.

Ang mga pagbabagong kapalit ng traslacion ay ang pagsimba, pagpupugay, paghanay, at pagdalaw.

Sa Pagsimba, ang mga simbahang kalapit ng Quiapo Church tulad ng Sta. Cruz Church at San Sebastian Church ay magsasagawa ng sabay-sabay na misa upang makontrol ang dami ng mga taong magsisimba sa araw ng kapistahan.

Maglalagay ng mga LED screens sa labas ng Quiapo Church at ang misa ay maaari ring mapanood online.

Ang Pagpupugay naman ay kapalit ng pahalik o pagpunas ng panyo sa imahen kung saan tatanawin na lang ang Itim na Nazareno mula sa malayo.

Imahe mula sa Quiapo Church

Ang Paghahanay naman ay ang physical distancing na dapat sundin ng mga nagsisimba at mga deboto

At ang pagdalaw ay ang pagbisita ng Itim na Nazareno sa iba’t ibang lugar at simbahan.

“Nananawagan po kami ng tulong sa lahat ng simbahan sa buong Pilipinas na kung puwede po ay i-gather, hikayatin ‘yung mga deboto na diyan na lang po sa inyong mga simbahan mag-celebrate ng Traslacion. Maiintindihan naman po ng Nazareno kung hindi kayo makakapunta dito sa Quiapo sa January 9,” panawagan ni Fr. Badong.

Imahe mula sa Quiapo Church

Magsisimula ang pagdalaw ng Itim na Nazareno sa iba-ibang lugar sa ika-31 ng Disyembre. Kapag ililipat na sa ibang lugar ang imahen, hindi papayagang sumama ang mga deboto.

Loading…