‘Bridal tank’ na beterano ng Marawi ginamit sa kasal ng mga sundalo sa Lanao del Norte

Imahe mula sa CDODev.Com/Algina G. Gilapay
  • Nagsilbing ‘bridal tank’ ang isang APC sa Lanao del Norte
  • Ito kasi ang naghatid sa anim na pares na ikinasal kamakailan
  • Tulad ng APC, ang mga sundalong ikinasal ay beterano rin ng Marawi siege

Sa halip na sa laban ay sa kasalan ang naging destinasyon ng isang armored personnel carrier (APC) ng Armed Forces of the Philippines nitong Sabado, Disyembre 12.

Ang misyon: Ihatid ang ilang sundalo sa Lanao del Norte patungo sa panibagong ‘giyera’ ng kanilang buhay – ang pag-aasawa.

Imahe mula sa CDODev.Com/Algina G. Gilapay

Ang APC ang nagsilbing ‘bridal tank’ para sa anim na pares na nagmamahalan at sila ay inihatid sa isang seremonya ng pag-iisang-dibdib sa loob ng headquarters ng 4th Mechanized Infantry (Kalasag) Battalion (4th MIB) ng Philippine Army na nakabase sa Brgy. Nangka bayan ng Balo-i.

Ang Catholic ceremony ay inihanda mismo ng 4th MIB para sa kanilang kasamahang sundalo na matagal nang may karelasyon, at ang iba ay may mga supling na rin, upang gawing legal ang kanilang pagsasama.

Tulad ng APC na sumabak sa Marawi siege noong 2013, ang mga sundalong ikakasal ay beterano rin ng nasabing labanan.

Imahe mula sa CDODev.Com/Algina G. Gilapay

Ayon kay Lt. Col. Domingo Dulay, Jr., commander ng 4th MIB, naisip nilang ipakasal ang anim na pares para na rin sa kapanatagan ng kanilang pamilya.

“Many times that when a soldier was killed or met an accident in line of work, and he has a child but not legally married to the mother of the child, it would result to misunderstanding between the family of the child’s mother and the family of the soldier. They would usually cause conflict on who would receive big share of the benefits,” ani Dulay.

Sina PFC Monte Carlo Bueno and Geneveve Veloso ay isa sa mga pares na inihatid sa dambana ng ‘bridal tank’ na pinalamutian ng puting bulaklak.

Imahe mula sa CDODev.Com/Algina G. Gilapay

Mayroon na silang dalawang anak at nagpasiyang magpakasal makaraan ang halos walong taong pagsasama. Dahil kapwa taga-Luzon kailangan pang sunduin ni Bueno si Veloso upang makasama sa kasal sa Mindanao.

Ganun pa man, hindi nakadalo ang kanilang mga anak at mga magulang.

“We do not want this chance to pass. Even if this is ‘mass wedding’, this is still something for us to treasure because this is what I want: to marry her,” anang sundalo.

Imahe mula sa CDODev.Com/Algina G. Gilapay

Ang mensahe naman ni Col. Dulay sa mga bagong kasal ay magtagal sana ang kanilang pagsasama at labanan ang lahat ng tukso o hamon sa kanilang relasyon.

At katulad na lang umano ng tangke na kanilang sinakyan, ang APC na bigay ng US at nagkakahalaga ng P39-M, nawa ay malampasan ng mga ito ang lahat ng laban ng kanilang buhay tulad ng sa Marawi.

Loading…