Buong bansa posibleng ibalik sa MECQ kapag umabot sa 4,000 ang COVID cases kada araw

Imahe mula sa PNA
  • Posibleng ibalik sa MECQ ang buong bansa pagkatapos ng Kapaskuhan
  • Ito ay kapag pumalo na sa 4,000 ang bilang ng kaso ng COVID araw-araw
  • Umaasa rin ang mga eksperto na ‘di pa nakapapasok sa bansa ang bagong strain ng COVID

Posibleng bumalik sa mas mahigpit na quarantine classification ang buong Pilipinas kapag umabot pa sa 4,000 ang bilang ng kaso araw-araw sa bansa pagkatapos ng Kapaskuhan.

Ito ang nakikitang senaryo ng mga health expert sa Philippine College of Physicians (PCP) sa likod ng banta ng bagong variant ng COVID virus na kumakalat na sa ibang bansa, partikular na sa Europe.

Imahe mula sa Philippine Lifestyle News

Ayon kay PCP vice president Dr. Maricar Limpin, sang-ayon sila sa projection ng Department of Health (DOH) at Octa Research Team na posibleng pumalo sa mahigit 4,000 ang COVID cases araw-araw pagkaraan ng holiday season.

“We agreed to it na maaaring tumaas nga. Maaaring pumalo ng 4,000. Nakikita namin ito na mangyayari dahil sa mga nakaraang linggo nakita rin naman kung paano karami [ang mga tao] at hindi nasunod ang health protocols lalo na ‘yung physical distancing,” paliwanag ni Limpin sa panayam ng GMA News.

Dahil dito, iminumungkahi umano nilang mga eksperto na ibalik ang bansa sa mas mahigpti na quarantine. Sa ngayon daw kasi ay nasa general community quarantine (GCQ) lamang ang malaking bahagi ng Pilipinas.

Imahe mula sa AdvocatesOMI

“Maaaring kailangang medyo higpitan nang konti, siguro MECQ (modified enhanced community quarantine) para lang po masiguro natin na hindi na dumami pa muli ang mga kaso ng COVID-19 natin,” ayon kay Dr. Limpin.

Umaasa rin si Dr. Limpin na sana ay hindi pa nakapapasok sa bansa ang bagong strain ng COVID-19 dahil nagpatupad na ng travel ban ng Pilipinas para sa mga biyaheng manggagaling sa United Kingdom.

Subalit hindi rin umano nila inaalis ang posibilidad na nakapasok na ito.

Imahe mula sa Tabip Academy

“I hope sana hindi na nakapasok pero maaaring nakapasok na nung nag-a-allow pa tayo ng mga travellers coming from UK,” wika ni Limpin.

Gayun pa man, naniniwala ang mga eksperto na mayroong kapasidad ang Research Institute for tropical Medicine o RITM na ma-detect ito kung sakali mang mayroon na ngang bagong strain ng virus sa bansa.

Loading…