Business permit ng NLEX ibabalik lang kapag tinanggal ang barriers sa mga toll plaza sa Valenzuela City

Imahe mula sa Valenzuela City Government
  • Natapos na ang meeting sa pagitan ng NLEX at Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian at hindi pa rin inalis ang suspensyon sa business permit ng tollway operator
  • Napagkasunduan ng magkabilang panig na panatiliin ang suspension order habang hindi pa natatapos ng NLEX ang RFID system upgrade na inaaasahan sa ika-30 ng Enero ng susunod na taon
  • Bukas si Mayor Gatchalian sa muling pakikipagpulong sa NLEX upang makakuha ng kasagutan sa panukala niyang alisin ang barriers sa mga toll plaza sa Valenzuela City

Ipinahayag ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian na hihilingin ng city government sa North Luzon Expressway Corporation (NLEX) na alisin ang mga barriers sa mga toll plaza sa loob ng siyudad bago ibalik ang suspendidong business permit nito.

Imahe mula sa Valenzuela City government

Matapos ang meeting sa pagitan ng dalawang partido nitong Lunes ng umaga, December 14, nananatiling suspendido pa rin ang business permit ng NLEX habang hindi pa naisasakatuparan ang pangakong pagsasaayos ng RFID system ng tollway operator, na pangunahing dahilan ng grabeng trapiko sa loob ng Valenzuela City.

Napagkasunduan ng magkabilang panig na panatiliin ang suspension order habang hindi pa natatapos ng NLEX ang RFID system upgrade na inaasahan sa ika-30 ng Enero ng susunod na taon.

Nanindigan si Mayor Gatchalian na hindi na kailangan ang mga barrier sa toll plaza kung maaayos na gumagana ang mga cashless toll collection system.

Namagitan naman si Metropolitan Manila Development Authority General Manager Jojo Garcia, na um-attend din sa meeting. Isang win-win solution ang panukala niya – itataas ang mga barriers kapag rush hours at ibababa ito kapag curfew hours.

Imahe mula sa Twitter account ni Mayor Rex Gatchalian

Naging maayos naman ang pagupulong ng NLEX at ng alkalde. Handa pa umano si mayor na muling makipagpulong sa kumpanya upang malaman ang kasagutan sa hiling niyang tanggalin na ang mga barrier sa mga toll gate. Kung nagagawa raw ito sa ibang bansa, walang dahilan upang hindi magawa dito sa Pilipinas.

“You have anytime you want, I will make myself available for further answers to our questions on the ‘barriers up’, and that will be the answer as to when we will lift the suspension,” pahayag ni Mayor Gatchalian na nagsuot ng kulay pulang t-shirt na may nakakatak na “#BarriersUp” upang bigyang-diin ang kanyang panukala.

Imahe mula sa Twitter account ni Mayor Rex Gatchalian
Source :

CNN PH, Inquirer

Loading…