Buy 1 Take 1 promo ng unhealthy foods at libreng softdrinks refill ipagbabawal sa UK

Imahe mula sa FabPH
  • Nakatakdang ipagbawal sa UK ang buy 1 take 1 promo ng mga unhealthy food items
  • Hindi na rin papayagan ang libreng refill ng softdrinks sa mga restaurants
  • Ang mga hakbang na ito ay ipatutupad upang tugunan ang obesity problem sa UK

Nakatakdang ipagbawal sa United Kingdom (UK) ang mga promotional tactics para sa mga unhealthy food items tulad ng “buy one take one” offers at libreng refill ng softdrinks sa mga restaurants.

Imahe mula sa Wallowa County Chieftain

Sa isang pahayag ng UK government noong Lunes, December 28, ang pagbabawal sa mga promotion ng mga pagkaing mataas sa fat, sugar o salt at ang libreng refill ng softdrinks ay isa sa mga ipatutupad na hakbang upang tugunan ang problema sa obesity at para ma-improve ang public health.

Sabi pa ng gobyerno, ang obesity ang isa sa pinakamatagal nang problema sa kalusugan sa Britanya. Halos 66% daw ng mga adults sa England ay overweight samantalang isa sa kada tatlong bata na nagtatapos ng primary school ay overweight o obese.

Kasama rin sa hakbang na gagawin ng UK government ang paglilimita sa lugar kung saan puwedeng i-advertise ang unhealthy food items sa loob ng tindahan. Hindi raw papayagan ang unhealthy promotions sa check out counters, sa entrance ng tindahan at sa dulo ng mga aisles.

“We are restricting promotions and introducing a range of measures to make sure the healthy choice is the easy choice. Creating an environment which helps everyone eat healthier foods more regularly is crucial to improving the health of the nation,” pahayag ni Public Health Minister Jo Churchill.

Napakahalaga umano na tugunan ang problema sa obesity lalo na ngayong may pandemya.

Imahe mula sa Gross-Alaska Theaters

“Evidence suggests people living with obesity who contract COVID-19 are more likely to be admitted to hospital and have an increased risk of dying from COVID-19 compared to non-obese patients. Tackling obesity is therefore an immediate priority to support individuals and the National Health Service,” saad sa bahagi ng statement ng UK government.

Sisimulang ipatupad ang ban sa  mga unhealthy promotional tactics sa Abril 2022.

Loading…