Carlo Katigbak, Laurenti Dyogi pinasalamatan ang mga artistang “nanatiling” Kapamilya

  • Pasasalamat ang inialay nina Carlo Katigbak at Laurenti Dyogi sa mga Star Magic artists na piniling manatili sa Kapamilya Network
  • Walo sa mga Star Magic artists ang pumirma ng eksklusibong kontrata sa network na hindi napagbigyang magkaroon ng bagong prangkisa
  • Ang mga loyal artists na ito ay nagsisilbing “liwanag at ligaya” ng estasyon na ang commitment ay pagseserbisyo-publiko sa mga Pilipino

Pinasalamatan ng mga big bosses ng ABS-CBN ang kanilang mga homegrown artists na pinili pa ring manatili sa network bilang “certified Kapamilya” nitong Biyernes, Disyembre 4, 2020, sa isang media event na tinawag nilang “Star Magic Shines On.”

Ang Star Magic ay talent-management arm ng Kapamilya Network na nagpasikat sa maraming mga aktor at aktres na kinikilala at tinitingala ngayon, kagaya nina Piolo Pascual, Bea Alonzo, Maja Salvador, John Lloyd Cruz, Angelica Panganiban, at marami pang iba.

Imahe mula sa Twitter account ni Mario Dumaual

Highlight ng naturang media event ang pagpirma ng eksklusibong kontrata ng walo sa kanilang mga Star Magic artists na sina Kim Chiu, Jane de Leon, Enchong Dee, JM de Guzman, Andrea Brillantes, Kira Balinger, Joseph Marco, at Robi Domingo, sa ABS-CBN.

Bagama’t ilang beses na ring nagpakitang-gilas sa “It’s Showtime” at “ASAP Natin ‘To,” pormal na ngang ipinakilala ang mga bagong Star Magic talents. Ito ay ang P-pop groups na BINI at Star Hunt Academy Boys, na pumirma na rin ng kontrata sa network.

Sa kani-kanilang mga talumpati, pinasalamatan nina ABS-CBN President at CEO Carlo Katigbak at ng bagong talagang Star Magic head na si Laurenti Dyogi ang mga Kapamilya stars na piniling manatili sa ABS-CBN sa kabila ng kalagayan nito ngayon.

“Ang hirap-hirap po ng taong 2020. But ABS-CBN has always been at its best in its most difficult times. This year is no exception,” aniya.

Public Domain Image

Matatandaang kasabay ng pandemya ng COVID-19, ngayong taon din nangyari ang ikalawang shutdown sa network dahil sa pagbasura ng Kongreso sa panibagong prangkisa nito. Nagbunga ito ng pagkakatanggal ng ilang mga programang panradyo, pantelebisyon, at pagkakatanggal sa marami nilang mga empleyado. Bukod dito, nagsilipatan na rin ang ilan nilang mga sikat at pinakamakikinang na artista at news anchors.

“Our commitment to serve the public is the foundation of our company. And so, even without everything that we’re used to, we have not stopped finding new ways to be in the service of the Filipino.”

Para naman sa mga artistang nanatili sa Kapamilya Network, “Kayo po ang nagbibigay ng liwanag at ligaya sa ating mga Kapamilya. Thank you for choosing to be part of our mission. Thank you for believing in our company. And thank you for supporting us in our most difficult moments,” saad niya na tumutukoy sa naging tema ng kanilang Christmas Station ID na talaga namang inabangan at trending sa social media.

“I hope you believe, as we do, that working in ABS-CBN is not just a career move, it’s not just a job; it’s a calling to serve.”

Public Domain Image

Samantala, pinasalamatan naman ni Laurenti Dyogi ang mga succeeding founders ng Star Magic na sina Johnny Manahan at Mariole Alberto. Nangako siyang ipagpapatuloy niya ang legacy ng mga ito.

Nakilala si Dyogi bilang isa sa mga naging hurado ng “Star Circle Quest”, direktor ng  “Pinoy Big Brother” na magbabalik na rin sa telebisyon, at head of ABS-CBN entertainment production.

Loading…