Cash lanes sa NLEX muling ibabalik sa Lunes, Disyembre 14

Imahe mula sa PNA
  • Nakatakdang ibalik pansamantala ang cash lanes sa NLEX nitong darating na Lunes, Disyembre 14
  • Ililipat din muna ang RFID installation at account reloading station sa ibang toll plaza
  • Nakatakda na ring mag-usap ang NLEX Corp at tanggapan ni Mayor Gatchalian sa susunod na linggo

Tila wala talagang magagawa ang NLEX Corporation kung hindi pansamantalang ibalik ang cash lanes sa mga toll booths na dumaranas ng pagsisikip ng trapiko dahil sa RFID system.

Nitong Sabado, kinumpirma ni Metro Pacific Tollways Corp. (MPTC) chief communications officer Romulo Quimbo na posibleng ibalik na nila muli ang cash lanes simula sa Lunes, Disyembre 14.

Imahe mula sa Scoopnest

Ang MPTC ang may-ari ng NLEX Corporation na siya namang toll operator ng North Luzon Expressway (NLEX), Subic Clark Tarlac Expressway (SCTEX), Cavite Expressway (CAVITEX), Cavite Laguna Expressway (CALAEX), Cebu Cordova Link Expressway (CCLEX), at ng NLEX Connector.

“Target natin po natin Monday. By Monday cash lanes should be open,” ani Quimbo sa panayam sa radyo.

Bago pa nitong Sabado ay sinabi na ni Quimbo na magtatalaga sila ng cash lanes dahil ito umano ang nais na mangyari ng Office of the President at maging ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

“Maglalagay na po tayo ng mga cash lane. Ibabalik natin ang cash lane… magtatalaga na tayo ng cash lanes, halimbawa sa Balintawak toll plaza ‘yun pong malalaki maglalagay ulit tayo ng cash lane doon,” ayon sa dating pahayag ni Quimbo.

Imahe mula sa Business Mirror

Bukod sa pagbabalik ng cash lanes, ililipat rin umano ang RFID sticker installation at account reloading station sa may Karuhatan at Mindanao toll plaza upang hind imaging bottleneck ang Balintawak.

Kaugnay nito nakatakda nang magpulong ang pamunuan ng NLEX Corp. at tanggapan ni Mayor rex Gatchalian sa susunod na linggo upang pag-usapan ang kasalukuyang problema sa trapik at RFID system.

Ganunpaman, tiniyak ni Mayor Gatchalian na hindi ito nangangahulugan na ibabalik na nila ang sinuspending business permit ng kompanya ni Manny V. Pangilinan.

Loading…