Central office ng DOLE isinara matapos magpositibo sa COVID-19 ang isang undersecretary

Imahe mula sa DOLE
  • Sinuspinde ang operasyon ng DOLE central office sa Maynila matapos magpositibo sa COVID-19 ang isa nitong undersecretary
  • Isasailalim sa “thorough disinfection” ang DOLE office bago ibalik ang normal na operasyon sa Lunes
  • Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng work suspension ang DOLE dahil sa COVID-19

Nagpatupad ng work suspension sa cental office ng Department of Labor and Employment (DOLE) na matatagpuan sa Intramuros, Manila, hapon ng Biyernes, ika-18 ng Disyembre, matapos magpositibo sa COVID-19 ang isang undersecretary ng kagawaran.

Screenshot mula sa GMA video

Ang work suspension ay magbibigay-daan sa gagawing “thorough disinfection” sa DOLE main office. Sa Lunes, ika-20 ng Disyembre na babalik ang normal na operasyon nito.

Ipinagdarasal ng buong kagawaran ang agarang paggaling ng undersecretary na hindi pinangalanan.

“We are praying for the early recovery of our Undersecretary who got infected with the virus. We also pray that the staff members in the office of the Undersecretary will overcome the health situation,” sabi ni Rolly Francia, ang DOLE-Information and Publication Service director.

Ayon kay Francia, hindi ito ang unang pagkakataon na nagpatupad ng work suspension ang kagawaran dahil sa COVID-19 infections. Tiniyak niyang mayroon na silang “established disinfection protocols” para sa ganitong mga kaso.

“Work at the DOLE central office in Manila had been suspended before after some employees tested positive for Covid-19. After a thorough disinfection of the DOLE offices is done, normal operations will resume on Monday,” aniya.

Imahe mula sa Malaya

Samantala, pinangunahan ni DOLE secretary Silvestre Bello III nitong Biyernes ang pamamahagi ng  Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) sa halos isanlibong benepisyaryo na ginanap sa Bulwagan ng Kanlahi Diwa ng Tarlac sa Baragay San Vicente, Tarlac City.

Umabot sa P3.38 million ang halagang naipamahagi ni Sec. Bello sa 803 beneficiaries ng programa sa Tarlac na nawalan ng mga trabaho sanhi ng global health crisis.

Screenshot mula sa video ng DOLE

 

Source :

PNA, Tribune

Loading…