Checkpoints inilagay sa ilang lugar sa NCR upang matiyak na nasusunod ng publiko ang health protocols

Screenshot mula sa ANC
  • Muling naglagay ng mga checkpoints sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila
  • Titiyakin sa checkpoints na sinusunod ng mga tao ang minimum health standards
  • Sinabi ni DILG Sec. Año na ang mga checkpoints ay bilang paghahanda na rin sa nalalapit na anibersaryo ng CPP sa ika-26 ng Disyembre

Naglagay ng mga checkpoints sa strategic areas sa National Capital Region (NCR) o Metro Manila upang siguruhin na sinusunod ng mga tao ang minimum health standards tulad ng physical distancing at pagsusuot ng face mask at face shield upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Screenshot mula sa ANC video

“Para i-check ang travelers and passengers complying with health protocols,” sabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año.

Binanggit din ng kalihim na ang mga checkpoints ay isang paghahanda na rin para sa nalalapit na 52nd founding anniversary ng Communist Party of the Philippines sa ika-26 ng Disyembre. Nakaalerto umano ang mga awtoridad sa posibleng panggugulo na gagawin ng New People’s Army para magpapansin ang mga ito.

“Likewise, lapit na din anniversary ng NPA. Mag-conduct daw sila ng atrocities para mapansin. ‘Di kasi maka-extort nowadays,” anang kalihim.

Kabilang sa mga lugar na nilagyan ng checkpoint ay ang boundary ng Pasig City at Rizal. Maging sa Divisoria na patuloy na dinaragsa ng mga taong namimili ay may checkpoints din.

Screenshot mula sa ANC video

“We set up these checkpoints and conducted these inspections to remind the public to continually observe physical distancing, wearing of masks and face shields, especially now that many of us are rushing to do Christmas shopping,” pahayag ng isang opisyal mula sa Philippine National Police.

Patuloy na pinaaalalahanan ng mga awtoridad ang publiko na sumunod sa mga patakarang itinakda ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases para maging ligtas ang selebrasyon ng Kapaskuhan at Bagong Taon.

Loading…