Chito Miranda ipinagtanggol ang K-pop fans sa mga haters ng BTS, Blackpink

Imahe mula sa AO
  • Ipinagtanggol ni Chito Miranda ang mga Pinoy na fans ng K-pop
  • Ayon sa Parokya frontman, respetuhin na lang sana ng bawat isa ang trip ng ibang tao
  • Sang-ayon naman ang maraming netizens sa sinabi ni Chito

Hindi napigilan ni Chito Miranda na pagsabihan ang isang netizen matapos nitong murahin at sabihan ng kung ano-anong masasamang salita ang mga tagahanga ng K-pop.

Ayon kay Chito, respetuhin na lang sana ng bawat isa kung ano ang trip ng iba at ‘wag nang maging hater o basher.

Isang netizen kasi ang nagkomento sa Facebook at tinawag na ‘kabobohan’ ang Korean pop o K-pop. Partikular na tinukoy ng basher ang dalawang sikat na K-pop group na BTS Army at Blackpink.

Imahe mula sa Facebook

Sagot ng Parokya frontman, maging siya ay ‘trip’ niya ang K-pop dahil magagaling ang mga ito.

“Kung ‘di mo sila trip, oks lang naman. Ang ‘di ko magets is bakit ang laki ng galit mo sa mga may trip sa kanila hehe!” sagot ng singer.

“Peace and respect lang parekoy. Kanya-kanyang trip lang ‘yan,” wika pa ng bokalsita ng Parokya ni Edgar.

BTS Army, Blackpink| Imahe mula sa Facebook

Ibinahagi rin ni Chito sa social media ang screenshot ng kaniyang komento at pinaalalahanan ang kaniyang mga tagasuporta na igalang ang ‘preference’ ng ibang tao.

“Bakit kayo galit sa trip ng iba? Kanya kanyang trip lang yan eh. ‘Wow! Di ko sila trip! Tang*** lahat ng may trip sa kanila.’ Ganun ba dapat?” wika ng singer.

“‘Di ba pwedeng iba trip nila sa trip mo tapos ok lang tayo lahat,” ayon pa dito.

Imahe mula sa Facebook

Sang-ayon naman ang maraming netizen sa sinabi ng mister ni Neri Naig.

Samantala, malaki ang pasasalamat ng Parokya ni Edgar matapos silang makapasok sa  Top 10 ng Spotify Philippines’ Top OPM Artists chart at Top Bands/Groups chart.

Nasa Top 5 kasi sila ng OPM acts habang nsa Top 8 naman ng bands/groups kabilang na ang mga international artists.

Loading…