Choir ng simbahan posibleng pagsimulan ng pagkalat ng COVID-19

Imahe mula sa CBCP News
  • Posibleng pagsimulan ng COVID-19 transmission ang mga choir sa simbahan
  • Sinabi ng DOH na maglalabas ito ng mga advisories para sa mga kaparian at simbahan hinggil dito
  • Pinangangambahan ng mga awtoridad ang pagtaas ng bilang ng bagong COVID-19 cases ngayong kapaskuhan

Nagbigay ng babala ang Department of Health (DOH) na posibleng pagmulan ng pagkalat ng COVID-19 ang mga choir ng simbahan.

Screenshot mula sa Inquirer video

Sa isang virtual media forum, may nagtanong kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire kung ano ang hakbang na gagawin ng kagawaran sa mga choir sa simbahan matapos ipagbawal ang karaoke session.

Ito ang itinanong kay Usec. Vergeire: “Pinagbabawal po ang videoke at karaoke dahil nakakapag-increase ng viral spread by 448 percent, paano naman po ang choir sa church every Sunday and Christmas season? There are churches that still do choir activities, especially in the provinces.”

“Isa ‘yan sa dapat mapag-aralan at mapagsabihan rin of course ang ating mga kaparian at ating mga simbahan that this might be a cause of spreading the virus as well,” sagot ni Dr. Vergeire.

Bagama’t nakikita niya sa simbahan sa kanilang lugar na gumagawa ng paraan ang mga choir members upang maiwasan ang pagkakahawa-hawa sa virus, sinabi ni Usec. Vergeire na posible pa rin ang transmission ng virus.

“They are all facing towards one direction, hindi sila harap-harap. Although I am not saying na hindi posible ang transmission pero mas nagkakaroon ng limit ang pag-transmit ng virus. But this is still a venue for the transmission of the virus and we will be, siguro mas magkakaroon tayo ng advisories sa ating mga simbahan,” aniya.

Imahe mula sa CBCP News

Pinangangambahan ng mga awtoridad ang posibleng pagtaas ng bilang ng bagong COVID-19 cases sa bansa dahil sa nalalapit na holiday season. Inaasahang dadagsa ang mga tao para mag-simbang gabi at  maraming family reunion ang magaganap kaya ibayong pag-iingat ang payo ng DOH sa publiko.

Source :

Inquirer, Tribune

Loading…