CHR kinondena ang insidente sa Tarlac na kinasangkutan ng isang pulis

Imahe mula sa Facebook at PRO-3
  • Naglabas ng pahayag ang Commission on Human Rights laban sa pulis na nasa likod ng malupit na katapusan ng mag-ina sa Tarlac
  • Hinimok ng CHR ang gobyerno na magsagawa ng imbestigasyon sa iba pang kahalintulad na pangyayari
  • Sumuko na sa mga awtoridad ang suspek na si PSMS Jonel Nuezca

Kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang nangyaring pagpaslang sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac nitong Linggo.

Imahe mula sa Facebook

Nakuhanan ng video ang alitan sa pagitan nina Frank Anthony Gregorio at PSMS Jonel Nuezca. Naingayan daw ang pulis sa paggamit ng boga kaya kinompronta niya si Frank Anthony. Naungkat na rin ang kanilang away dahil sa right of way.

Nagtapos ito sa pamamaril ni Nuezca kina Frank Anthony, 25 at kaniyang ina na si Sonya, 52.

“Such brazen, senseless killing deserves our strongest condemnation… The police force is expected to be disciplined, discerning, and professional,” sabi ni CHR Spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia sa isang pahayag.

Imahe mula sa PRO-3

Hinimok din nila ang gobyerno na magsagawa ng imbestigasyon sa iba pang kahalintulad na insidente.

“The government cannot claim adherence to human rights principles and allow impunity to worsen by not making sure perpetrators are held to account. We are interested in knowing the truth behind these because there is a demand for justice,” sabi pa ng CHR spokesperson.

Samantala, nakiusap din sila sa publiko na huwag nang i-post ang larawan ng anak ng suspek na nakasagutan ni Sonya bago siya tinuluyan ng pulis.

“We appeal to the public to put in mind the best interest of the child also seen in the video. Vilifying the minor publicly, even posting the child’s name and photos, may inflict irreparable trauma that might worsen this situation,” paliwanag ni de Guia. “Let proper interventions deal with the child’s situation separately.

Sumuko na sa mga awtoridad si Nuezca at nahaharap sa kasong double murder. Magsasagawa rin daw ang CHR ng sarili nilang imbestigasyon kaugnay ng insidente.

Source :

CHR

Loading…