“Christmas star” masisilayan sa Disyembre 21 matapos ang 800 taon

  • Lilitaw umano ang “Christmas star” sa Disyembre 21 ayon sa NASA
  • Ito ay alignment at halos pagdidikit ng Jupiter at Saturn sa kalawakan
  • Paalala ng NASA, kahit na mukhang magkakalapit ang dalawang planeta, hundreds of millions of miles pa rin ang agwat ng bawat isa

Masisilayan ng lahat ang “Christmas star” o ang tinatawag ding “Star of Betlehem” sa darating an Disyembre 21, ayon sa National Aeronautics and Space Administration (NASA).

“Jupiter and Saturn have gradually moved closer to each other over for months, and on December 21, the two worlds will be at their closest, around 1/5 of a full Moon apart. This is close enough that many telescopes may be able to see both planets at once in the same field of view. These conjunctions occur every 20 years, and this is an especially close one,” saad ng NASA sa kanilang opisyal na website.

Public Domain Image

Nilinaw naman ng NASA na kahit magiging tila malapit ang agwat ng Jupiter at Saturn sa isa’t isa, ang katotohanan nito ay hundreds of millions miles ang tunay nilang layo sa isa’t isa.

“Keep in mind that while the two gas giants may appear close, in reality they are hundreds of millions of miles apart. This will still be quite a striking sight, but you will need to look fast as both planets will set shortly after sunset. Look above the western horizon after sunset for these bright, close planets- a clear view will help,” ayon sa NASA.

Patuloy na nagiging paksa ng mga debate at pag-aaral na ito ang “Christmas star” o ang talang tinutukoy umano na nakita ng tatlong mago upang matunton ang sabsaban kung saan isinilang si Hesukristo. Ayon sa mga eksperto, hindi ito talagang tala, kundi alignment ng dalawang planeta, kagaya na lamang ng Jupiter at Saturn.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“It could be a great reminder for those who turn their back from Jesus Christ and give hope to those who still have faith in Him,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “This sounds amazing but knowing our luck in 2020… well before we get to this moment let’s back up to the beginning of 2020.”

Public Domain Image

“Everyone so negative.. I’m taking it as a sign from God telling us that everything will be okay,” wika naman ng isa.

Ang astronomical phenomenon na ito ay huling naganap noong Middle Ages.

Loading…