Compound sa Quezon City ni-lockdown matapos mahawa sa COVID-19 ang sampung dumalo sa birthday party

Screenshot mula sa ABS-CBN video
  • Ni-lockdown ang isang compound sa Quezon City matapos magkahawahan ng COVID-19 ang mga bisita sa birthday party
  • Isang government employee ang pinaghihinalaang dahilan ng pagkalat ng coronavirus sa compound
  • Nakararanas na ng COVID-19 symptoms ang empleyado, ngunit dumalo pa rin siya sa party

Isinailalim ng Quezon City government sa special concern lockdown ang isang compound sa Barangay Tandang Sora dahil nahawahan ng COVID-19 ang sampu sa mga bisitang dumalo sa naganap na isang social gathering doon.

Imahe mula sa Mapio

Isang empleyado mula sa government agency na nagkaroon ng maraming COVID-19 cases ang pinaghihinalaang nagpakalat ng coronavirus sa naganap na pagtitipon sa loob ng kanilang compound.

“We had to place this area under lockdown so as to stop further infections. From an index case, she has infected more people because of a social gathering,” pahayag ni Mayor Joy Belmonte.

Ang naturang gevernment employee ay nakararanas na ng mga sintomas ng COVID-19 noong unang linggo pa lang ng Disyembre. Sa kabila ng kanyang nararamdaman ay nakisaya pa siya kasama ang pamilya, mga kaibigan at kapitbahay sa isang birthday party.

Noong ika-9 ng Disyembre ay isinailalim sa COVID-19 testing ang empleyado at positibo ang resulta.

Walumpu’t isa ang mga na-trace na close contacts niya, kabilang sa mga ito ang isang buntis, pitong senior citizens at anim na mga bata. Apatnapu’t apat na sa kanila ang na-swab test at sampu sa mga ito ang nagpositibo kaya naalarma ang pamahalaang panlunsod at nagpatupad ng special concern lockdown.

Screenshot mula sa GMA video

“This is a perfect example of why it is important not to engage in any social gathering such as parties and reunions because one can get infected just by co-mingling with a symptomatic individual,” ayon kay Mayor Joy Belmonte na nagsabi pang mahigpit ang kanilang tagubilin sa mga residente na umiwas sa mga mass gatherings lalo na ngayong holiday season.

Imahe mula sa PNA

Loading…