COVID-19 reproduction rate tumataas na naman sa Metro Manila

Imahe mula sa Facebook account ni Jerume Manta
  • Tumataas na naman ang reproduction rate ng COVID-19 sa Metro Manila
  • Umabot na ito sa 1.06 at inaasahang tataas pa, ayon sa UP-OCTA Research group
  • Sinabi ng grupo na kung ang production rate ay mahigit sa 1, nangangahulugan ito na kumakalat ang COVID-19

Naobserbahan ng University of the Philippines-OCTA Reseach group ang muling pagtaas ng reproduction rate ng COVID-19 sa Metro Manila at inaasahang tuluy-tuloy pa itong tataas habang papalapit na ang holiday season.

Imahe mula sa CDC

“The reproduction number (R0) or the average number of people infected by one person in a susceptible population is now at 1.06 and increasing,” nababahalang pahayag ni Dr. Guido David sa isang interview.

Sinabi ng grupo ni Dr. David na kung ang R0 ay mahigit sa 1, nangangahulugan ito na kumakalat ang COVID-19.

Noong December 1, ang R0 ay nasa 0.90 at tumaas ito sa 0.94 noong December 5, noong December 10 ay umabot na ito sa 0.96 at noong December 11 ay 0.99.

Ang 1.06 reproduction rate ng COVID-19 sa Metro Manila ay swak sa projection ni Dr. Guido noong Sabado, December 12, na lalampas ito sa 1.0.

Ayon sa kasama ni Dr. Guido na si Professor Ranjit Rye, maraming dahilan kung bakit tumataas ang reproduction rate ng COVID-19. Isa na raw ang pagbubukas ng ekonomiya.

“Lagpas na sa 1 ang reproduction number ng COVID sa bansa. May ilang lugar sa bansa na nakapagtala na ng pagtaas sa kaso ng COVID-19 ngayong Disyembre. Isa sa mga pangunahing dahilan ng pagtaas ng kaso nito ay muling pagbubukas ng ekonomiya. May ilang kababayan din tayong nagpakakumpiyansa kaya tumaas ang kaso ng COVID-19,” wika ng propesor.

Imahe mula sa PRC

Sabi pa niya, may mga local government units ang nagkukulang sa enforcement ng mga health protocols.

Sa ginawang pagtataya ng Octo Research group, ang kabuuang bilang ng mga COVID-19 cases sa bansa ay aabot sa halos kalahating milyon bago matapos ang taong 2020.

Batay sa datos mula sa Department of Health, as of December 14 ay umabot na sa 450,733 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases na naitala sa bansa. Halos 93% sa mga ito ay gumaling na.

Imahe mula sa DOH

Loading…