Customs nasabat ang 2 container ng frozen galunggong na idineklarang pusit mula China

Imahe mula sa Facebook-BOC
  • Nasabat ng Bureau of Customs ang 2 container ng frozen galunggong mula China
  • Idineklara itong frozen pusit kaya pinaiimbestigahan na ng ahensiya ang insidente
  • Sinubukan pa umanong tanggalin ng mga driver ang ETRACC GPS Seal ng shipment

Dalawang 40-footer na container ng frozen galunggong (mackerel scad) mula China ang nasabat ng Bureau of Customs  (BOC) noong Miyerkules, Disyembre 2.

Nitong Biyernes ay iprinisenta ng BOC ang nasabing shipment upang bigyang babala ang publiko at protektahan umano ang mga stakeholders laban sa panganib na dulot ng ilegal na pag-angkat ng mga pagkain.

Screenshot mula sa Facebook-BOC

Ang dalawang container van ay naglalaman ng fozen galunggong subalit nakadeklara umano itong frozen squid at ang consignee ay isang kumpanyang nagngangalang Hightower Inc.

Sinubukan raw ng mga driver ng naturang container na tanggalin ang Electronic Tracking of Containerized Cargo (ETRACC) GPS Seal ng shipment na hindi ipinaalam sa mga awtoridad na itinuturing na paglabag sa Customs Memorandum Order (CMO) No. 04-2020.

“The shipment is currently under further investigation and may be subject to seizure and forfeiture proceedings for violation of Sec. 1400 “Misdeclaration, Misclassification, Undervaluation in Goods Declaration” in relation to Sec. 1113, “Property Subject to Seizure and Forfeiture” of the Customs Modernization and Tariff Act (CMTA). Moreover, another investigation is underway for the the violation of E-TRACC System rules and procedure,” ayon sa pahayag ng ahensiya.

Imahe mula sa ABS-CBN News

Ipinag-utos na ni MICP District Collector Romeo Allan R. Rosales ang masusing imbestigasyon at inventory sa laman ng shipment na ngayon ay nakalagak sa isang warehouse sa Lungsod ng Paranaque.

“Aligned with BOC Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero’s thrust to combat the fraudulent importation of goods, MICP remains committed in deterring the entry and clearance of foreign articles with the intentions to defraud the government as well as injure local industries,” wika pa ng BOC.

Loading…