Dakilang guro tuloy ang dedikasyon sa trabaho kahit sa kanyang mga huling sandali

Image by Sandra A. Venegas via Facebook
  • Guro pagtupad pa rin sa sinumpaang propesyon ang inatupag sa kanyang mga huling sandali 
  • Paghanga at papuri, bumuhos para sa dakilang guro
  • Sabi ng anak ni Sir Navarro, sana’y isinara na lamang niya ang laptop ng ama para na-enjoy nila ang oras

Hindi matatawaran ang dedikasyong ibinibigay ng mga guro para makapaghatid ng de-kalidad na edukasyon sa mga mag-aaral, at kalimitan ay naisasakripisyo ang oras para sa pamilya. Mahabang oras ang ginugugol nila mula sa aktuwal na pagtuturo hanggang sa mga paperworks at iba pang aktibidades.

Image by Sandra A. Venegas via Facebook

Binigyang pagpupugay ni Sandra Venegas ang amang si Sir Alejandro Navarro sa social media kamakailan. Aniya, kahit sa mga huling bahagi ng buhay ng guro ay namumukod-tangi ang dedikasyon sa sinumpaang propesyon.

“He knew he was going to the ER so he packed his laptop and charger so he could enter them. Doctors were coming in to see him. They were running tests, they were telling him he needed to decide what he wanted in the event that his heart stopped: CPR and intubation or to go in peace. He’d answer their questions and resume with grades.”

Huli umano niyang nakita ang ama noong Lunes nang binisita niya ito sa loob ng dalawang oras at busy ang guro sa trabaho. Sana, wika nito, isinara na lamang niya ang laptop para na-enjoy nila ang mga oras.

Pagpapatuloy ni Sandra, mahaba-habang oras ang ibinibigay ng mga guro para sa propesyon kahit ngayong may pandemya. Kaya’t payo niya sa mga may kapamilyang guro, tulungan silang mag-set ng boundaries at ‘wag pagtrabahuin ng school-related works sa loob ng bahay.

“Teachers let’s not normalize working after hours, let’s not normalize staying at work late. You are replaceable at work. You are NOT replaceable at home,” sabi pa nito.

Labis umano niyang mami-miss ang ama.

Image by Sandra A. Venegas via Facebook

Nagpaabot ng paghanga at respeto ang mga netizens. Sabi ng isa ring guro, “He was not alone in this captivating moment, offering our last breath in the name of service, dedication and dignity.”

Komento ng iba, “A true educator. Thanks for his service to humanity.”

May nagsabi pa ng, “He did what he loved doing his whole life. His students were very lucky to have him as a teacher. You were so lucky to have such a caring father.”

Photo from Pixabay
Source :

Facebook

Loading…