Dakilang nars, nagsagawa ng free haircut drive para sa mga homeless person

Image by Be An INQUIRER via Facebook
  • Nars at mga kamag-anak nito, nagsagawa ng free haircut drive para sa mga taong walang matutuluyan
  • Kasama rin ang nars sa isang grupo na nagsasagawa ng outreach program at free medical advice sa mga kababayan
  • Kabilang siya sa mga tumulong sa naging biktima ng Taal Volcano eruption noong Enero

Nakaka-proud ang kuwento ng mga kababayan na patuloy na gumagawa ng mga selfless deeds para matulungan ang mga mamamayang nangangailangan ng tulong. Masasabi mang hindi mahal ang nagastos para maisagawa ito, malaking bagay na ito lalo na sa mga recipients na walang-wala at nakararanas ng matinding pangangailangan.

Image by Be An INQUIRER via Facebook

Papuri sa social media ang patuloy na natatanggap ng isang dakilang nars kamakailan na nagsagawa ng libreng paggugupit sa mga residente ng Barangay Pio del Pilar, Makati City. Ang mas kapuri-puri pa rito, marami pa palang isinasagawang pagtulong sa iba ang nars.

Pahayag ng nars na si John Mart Caballo sa Philippine Daily Inquirer, “Actually, ngayon ko pa lang ito ginawa, ang mag gupit, kasi recently lang ako natuto. Inaral ko talaga siya at mabuti naturuan ako ng classmate ko sa military at panigurado magagamit po [ito] sa mga outreach po na ginagawa ng aking grupo.”

Kasama ng nars sa paggugupit sa Makati ang kanyang kapatid na si John Mikel Carballo at pinsan na si Jazten Rodriguez.

Si John Mart ay nagtatrabaho sa Philippine Army General Hospital. Siya ay 30 taong gulang.

Maliban sa isinagawang paggugupit na nag-trending online, nagsasagawa rin sila ng mga outreach programs at free medical advice sa mga mamamayan. Kabilang sa mga natulungan nila, aniya sa Inquirer, ay ang mga naging biktima ng Taal Volcano eruption sa probinsya ng Batangas noong Enero.

Image by Be An INQUIRER via Facebook

Katuwang ang mga kasamahang motorista at mountaineers, kalimitan nilang tinutulungan ang mga mamamayan na walang matutuluyan o salat ang pamumuhay.

Ang post ng Inquirer kaugnay sa pagtulong na isinagawa ni John Mart ay kagyat na nag-trending at mayroon nang higit 370 reaksyon habang ibinabahagi ito.

Komento ng isa, “God bless sir. Good job. You have a big heart.” Saad ng isa pa, “God bless! Proud of you soldier! Carry on.”

Image by Be An INQUIRER via Facebook

Loading…