Dalawang nawawalang aso, natagpuan at nailigtas mula sa loob ng septic tank

Screenshot mula sa Miami-Dade Animal Services video
  • Dalawang American bulldogs ang nahulog sa septic tank matapos makawala sa kanilang bakuran sa Miami
  • Nailigtas ng isang animal rescuer ang dalawa gamit ang isang ladder
  • Inilathala ang litrato ng dalawang aso at hinimok ang publiko na i-share iyon upang makarating sa kaalaman ng may-ari
  • Ang kapatid ng may-ari na sa California nakatira ang nakakita sa post ng animal shelter kaya muling nakapiling ng may-ari ang mga alagang bulldog

Kakaibang tawag ang natanggap ng isang kawani ng Miami-Dade Animal Services na si Yureisy Hernandez mula sa isang residente na nagsabing may dalawang aso na nahulog sa loob ng kanilang poso negro.

Screenshot mula sa Miami-Dade Animal Services video

Nang dumating sa lugar si Hernandez, nakita niya ang dalawang aso na nakalublob sa maruming tubig na hanggang leeg nila1 ang lalim. Nakawala ang mga ito mula sa bakuran ng may-ari sa kanila na nakilalang si Vanessa Cruz.

Noong una ay hindi malaman ni Hernandez kung ano ang kanyang gagawin.

“I’m not used to dealing with septic tanks,” anang animal rescuer.

Mabuti na lang daw ay may nakita siyang ladder para magamit sa pag-rescue sa dalawang asong nakalublob sa maruming tubig dahil kung wala ay malamang na tumalon na siya sa loob ng septic tank.

“Luckily I was able to find the ladder that was there and use that to lever them out because if not I would have jumped in there to try to get them out,” ani Hernandez.

Tagumpay niyang nailigtas ang dalawang American bulldogs, subalit walang pagkakakilanlan ang mga aso kaya dinala niya ang mga ito sa Pet Adoption and Protection Center ng Miami-Dade Animal Services para masuri ng mga beterinaryo.

Screenshot mula sa Miami-Dade Animal Services video

Inilathala nila ang litrato ng dalawang aso at hinimok ang publiko na i-share iyon upang makarating sa kaalaman ng may-ari. Pansamantala nilang pinangalanang Peaches at Cream ang mga bulldog.

Ang kapatid ni Vanessa Cruz na nasa California ang nakakita ng post at agad sinabi sa kanya kaya muli niyang nakapiling ang mga alaga na ang tunay na mga pangalan ay Brenda at Bianca.

Screenshot mula sa Miami-Dade Animal Services video

Loading…