Dating OFW naging palaboy sa Luneta matapos pabayaan ng pamilya

  • Isang dating OFW ang pagala-gala na lamang umano sa Luneta
  • Pinabayaan na siya ng kaniyang mga kamag-anak dahil wala na siyang pera
  • Hindi raw siya makapaniwalang ganito na lamang ang kaniyang sinapit

Itinuturing na makabagong bayani ang mga Overseas Filipino Workers o OFW dahil sa kanilang pagsasakripisyo na malayo sa pamilya at suungin ang pakikisalamuha sa ibang lahi at bansa para lamang mabigyan ng magandang pamumuhay ang kanilang pamilya, at nakatutulong din sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa.

Sa Pilipinas, kapag narinig na ang kapitbahay ay may kaanak na nagtatrabaho sa ibang bansa, iniisip kaagad na marami itong pera. Ang totoo niyan, bawat sentimo ay pinaghihirapan kalaban ang oras at pangugulila sa mga mahal sa buhay na naiwan sa Bayang Sinilangan.

Imahe mula sa Filipino Guide

Bagama’t marami ang nakaipon, nakapagpundar, at naging matagumpay sa pagbibigay ng magandang buhay sa pamilya, may ilan din namang kuwento ng kabiguan at pagtatakwil—nang mismong kanila pang pamilya, na dapat ay pag-alayan ng kanilang pagpupunyagi at magsisilbing sandigan.

Kagaya na lamang ng itinampok na OFW sa “Filipino Guide”  na palaboy-laboy sa Luneta na nagngangalang “Mang Ramon” na 21 taong nagtrabaho sa Saudi Arabia, ngunit nang maubos na ang pera, itinakwil ng sariling pamilya dahil wala na siyang maibigay sa kanila.

Hindi siya makapaniwala na matapos niyang tulungan ang kaniyang kapatid na mapag-aral ang kaniyang mga pamangkin, ay hahayaan na lamang siya nitong magpalaboy-laboy sa kalsada. Naging malaking tahanan niya ang Luneta. Matanda na siya at walang mag-aalaga sa kaniya.

Nabagbag naman ang damdamin ng mga netizens at hindi nila naiwasang magbigay ng reaksyon at komento hinggil dito.

Imahe mula sa Filipino Guide

“Nakakalungkot namang makaalam ng ganiyang mga kuwento ng kabiguan, kalungkutan, at kawalang-katiyakan sa buhay. Kaya dapat unahin ang sarili tapos kung may sobra saka tumulong sa iba. Sounds selfish? Yes after all no one will look after sa akin, except me,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Meron talagang mga taong katulad ng kamag-anak niya na walang pagpapahalaga sa kamag- anak matapos na makatulong , nakakalungkot ngunit ‘yan minsan ang katotohanan.”

“Life is a matter of choices, and every choice we take makes you. As is how we handle the pitfalls along its bumpy road. We are fully in charge of our own destiny through our own decisions. All the power belongs to us,” wika naman ng isa.

Nakalulungkot ang mga kuwentong ito, at sana ay maging maayos na ang kalagayan ni Mang Ramon.

Loading…