Dating SK Chairman at nagsusulong ng youth empowerment namahagi ng pagkain sa mga bata

  • Isang dating SK Chairman, nagsusulong ng youth empowerment, at sumasali sa mga pageants ang namahagi ng mga pagkain sa mga bata sa Ilocos Norte
  • Gusto niyang ipakita sa mga bata na may kagaya niyang estranghero na handang tumulong para sa kanila
  • Sa pagtulong daw, hindi dapat asahan ang pagbalik nito sa atin; dapat, ito ay bukal sa puso

Kung may magandang bagay mang naidulot ang pandemya at paghambalos ng mga kalamidad sa bansa, naipakita nito ang magagandang katangian ng mga Pilipino: ang bayanihan at pagtutulungan. Tutulong at tutulong ang ating mga kababayan sa kapwa, sa kahit na anomang paraan, sa panahon ng matinding pangangailangan.

Kagaya na lamang ng isang netizen na nagngangalang “Leighton Jan Mamotos” mula sa Ilocos Norte, isang aktibong kasapi ng isang samahang pangkabataan ng mga Ilocano, dating Sangguniang Kabataan o SK Chairman, at lumalahok sa mga pageants. Ibinahagi niya sa kaniyang Facebook post ang simpleng pamamahagi ng pagkain sa mga bata, upang ipakita ang kaniyang pagmamalasakit, lalo na sa panahon ng pandemya.

Imahe mula sa Facebook account ni Leighton Jan

“As of the moment, I want to help my community, I want to use my strength to make an impact. And that is the essence of beauty pageants. It gives us the power to make a difference,” caption niya sa kaniyang post, na mula sa pahayag ng isang kandidata ng prestihiysosong beauty pageant.

“I am a member of youth organization named SIRIB ILOCANO KABATAAN ASSOCIATION na ang layunin po ay to empower the youth, work in volunteerism, itaguyod ang pagmamahal sa kalikasan, to educate the children and to help the out of school youth. Naging scholar ako sa organisasyon na ‘yan,” kuwento ni Leighton na nagtapos sa isang kilalang  information techonoly-based college sa Pilipinas, with honors.

“It is not a case of trying to inspire others what I did during this time of pandemic. What I thought of little gesture of kindness to this youngster was my way of caring and to show to my community that someone somewhere out there are people who needs care and compassion during this time of pandemic,” aniya.

Imahe mula sa Facebook account ni Leighton Jan

May mensahe naman siya para sa lahat.

“We must remember that giving and not expecting anything in return is what matter most. If my humble gesture of kindness becomes an inspiration to others, I welcome and personally appreciate no matter how small or big their contribution to their community.”

Saludo kami sa iyo, Leighton! Sana ay maging inspirasyon ka sa kabataan!

Source :

Facebook

Loading…